1st Lured

120K 2.4K 850
                                    

Lured

Annoying

"Ano 'yung naririnig ko na napapadalas daw ang punta mo sa college building?" ani Daddy sa hapag ng gabing iyon.

Sinumbong ba ako ni Kuya Toshi? Oh don't conclude too much, Zera. Wala namang nabanggit na 'sinabi ni Toshi' at tanging nabanggit lang ay narinig. Maybe Daddy is just trying to get me through his words.

"Kanino mo narinig, Dad?" tanong ko habang ginagalaw ang aking pagkain.

My Kuya isn't around. He's probably playing basketball on the Clubhouse with Trey's friends and Kuya Toshi since nabanggit rin nila iyon kanina.

Sinipat ako ng makahulugang tingin ni Mommy habang nagsasalin siya ng juice sa aking baso.

"I have my connections, Zera. Hindi mo alam na may pinapabantay ako sa'yo para matyagan ka?"

Oh that's a bluff! Baka nga ako pa ang makakabantay sa kanila.

"Hiro is already a college student kaya hindi na nakakapagtaka kung magawi si Zera roon," ani Mommy na agad kong ikinatango.

"And Trey?" dagdag ni Daddy.

"Pati ba naman ikaw Dad?" Nanliit ang aking mga mata.

My parents are aware I like him since sa tabil ng dila ng aking mga pinsan, sa Kuya kong palagi akong binabaliktad sa kanilang harapan ay mahirap na iyong itago.

"You should prioritize your studies first, Zera. Kung si Trey ang mas pagtutuunan mo ng pansin, anong matututunan mo?"

Paglandi, Dad? Kaso hindi ko iyon isinatinig at baka lagot pa ako sa biro ko.

Sumubo si Mommy at tumango-tango pa sa sinabi ni Daddy. Sumubo na rin ako habang nakatitig naman si Daddy sa akin.

"I know you're playful but don't play too much, Zera. Hayaan mo na iyong si Trey total malaki na iyon," dagdag niya.

Well obviously he's really older than me kaso humahanga lang naman ako ah? I just like him. Hindi naman ako sobrang nauuhaw sa pag-ibig na nanglilimos na ako ng pagmamahal sa kanya. Ang lahat ng nakapaligid sa akin ay masyado lang talagang paranoid at pakiramdam nila ay nalulunod na ako sa sarili kong nararamdaman kay Trey.

"Zera is wise. You don't have to tell her about her studies since wala rin naman siyang bagsak," ani Mommy.

Tumango naman agad ako. I agreed with Mom!

"Nasa stage pa talaga siya ng pagtuklas sa nararamdaman niya. She's curious and it's normal for her to act that way..." ani Mommy na tinatapunan ako ng tingin paminsan-minsan.

Binasa lamang ni Daddy ang kanyang labi at nailing.

"She's not being wise, Scarlet Gail. She's being carefree," si Daddy.

"Well she can be both? Wise and carefree..." ani Mommy sa malambing na boses.

Nagkasalubong nalang ang kilay ni Daddy kaya hinaplos ni Mommy ang kanyang panga.

"Masyado kang hard... Zera just turned eighteen. Let her have a boyfriend," Mom chuckled.

Ngumuso ako at napagtantong iyon ang kinakatakutan ni Daddy. Kinagat ko nalang ang aking labi para hindi ako matawa.

"She's going to have a boyfriend anytime since she's chasing him," si Daddy.

"Oh believe me she won't. Trey doesn't like her."

Agad akong napabusangot sa sinabi ni Mommy.

"He's going to like me soon, Mommy," pagtatanggol ko sa positibong boses.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon