13th Lured

81.7K 2.2K 1.3K
                                    

Lured

Territorial

Napapansin ko kung paano ninanakawan ng tingin ni Keesha si Isaiah na hindi talaga nilingon ang kanyang gawi kahit isang beses man lang. He's focus with his phone or talking with his friends.

Nagdala na ng mga babae sina Silas sa aming lugar. Kumandong pa iyong babae kay Castel kaya iritadong umusog si Isaiah nang nadikit ang paa nito sa kanyang hita. Ganoon siya kaarte kahit na hindi naman talaga masyadong natamaan.

"You choose, Isaiah. We'll give you a girl or you find your own girl?" ani Silas sa kanya.

Kuya and Wayt are still talking with each other. Gusto ko mang makinig pero alam kong babae rin iyon and it would only irritate me so nevermind.

"I'm fine with this," saka ipinakita ni Isaiah ang cellphone.

Tumawa ang kanyang mga kaibigan.

"Bastard. A phone can't turn you on," si Davin.

Isaiah licked his lips and just shrug. Tumayo naman ako nang makaramdam ako ng pagkaihi at naramdaman ang pagbaba ng tube top ng suot kong dress. Medyo inayos ko iyon at nahuli ang pag-angat ng tingin ni Isaiah, madilim akong pinapanood sa aking ginagawa sa aking damit.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya nang napansin ang aking pagtayo.

Isaiah looked away at uminom sa kanyang smirnoff.

"Iihi," saka ko tinuro ang dancefloor. "And I'm going to dance later," sabi ko na ikinatingin muli ni Isaiah.

"Siksikan doon, Zera," si Wayt. "Masisiko ka lang eh ang liit liit mo."

"Excuse me? I'm 5'4 tall!" Umirap ako at padabog na naglakad para makaalis.

Tumayo naman si Keesha.

"Samahan na kita, Zera," aniya.

Tumango na lang ako ng tipid at hinayaan siyang sumunod sa akin. I hate her this day! Ang sweet sweet niya kay Trey tapos ganoon siya makatingin kay Isaiah.

"Balik agad," si Kuya naman na narinig ko pa.

Hindi na ako sumagot at sinuklay nalang ang aking buhok gamit ang aking daliri. Tinabihan naman ako ni Keesha. She's 1 inch taller than me and she's more curvy than me, plus her breast is more firm than mine pero nangingibabaw pa rin ang aking ganda, ang aking kaputian, ang aking dugong Delafuente na hinding hindi niya malalamangan. Lamang lang siya ngayon dahil nililigawan siya ni Trey but overall, I can still top her when it comes to beauty.

Hihilain ko pa ba pababa ang sarili ko kung sarili ko lang din ang kakampi ko? Of course not.

"Ang guwapo ni Isaiah 'no," sabi niya bigla at napangiti pa. "Sinabihan mo ba siya na... na nandito ako? K-Kaya siya sumunod?"

I texted him about them kaya nga siguro sumunod si Isaiah.

"Yes. Maybe he's jealous," sabi ko at nagkibit, hindi masyadong nagbigay ng emosyon nang binigkas ko iyon.

Keesha blushed hard. Kahit dim ang nilalakaran namin patungo sa comfort room ay malinaw kong nakikita ang pamumula sa kanyang pisngi.

"Parang imposible talaga pero gusto ko ring maniwala..." sabi niya.

"Sinagot mo na si Trey?" tanong ko, iniiba ang topic dahil wala naman akong pakialam sa nararamdaman niya.

Umiling agad siya. "Hindi pa! Niyaya niya lang talaga ako dahil birthday ni Hiro."

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon