33rd Lured

70.1K 1.9K 549
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Alexandra Jaurigue. Happy reading!
-----------

Summer

Nagtungo kaming magpipinsan sa Canada noong Pasko and New Year to be with Nana kasama ang mga parents namin.

Sa eroplano pa lang ay maingay ang iba kong mga pinsan lalo na si Ken na nakikipaghagalpakan kay Blue. Panay ang kanyang pagnguso roon sa sexy na flight attendant pagkatapos ay magtatawanan sila.

Katabi ko si Elle. Si Kuya ay katabi si Wayt na ayaw katabi si Ken dahil sa kaingayan. Si Ken at Blue ang magkatabi habang si Red naman ay isang stranger ang katabi at sa kanyang likuran ay si Kuya Toshi at Kuya Grey na seryosong nag-uusap.

Ang aming mga parents ay nasa kabila. Hindi ko na masyadong inusisa ang kanilang ginawa roon at tiningnan ko lang ang bintana lalo na't nakaangat narin kami sa ere.

"Kumusta na kaya si Isaiah 'no? 'Di ba naging friends naman kayo, Zera? Ayaw mo ba siyang bisitahin?" tanong ni Elle.

"I'm busy with my studies," sabi ko sa matabang na boses habang pinatili ang mga mata sa labas ng bintana.

"Huh? Sunday?"

"Maraming homework," sagot ko.

"After homework?"

Iritado ko siyang nilingon. Kumurap naman siya at hinawi ang buhok.

"Bakit ayaw mo siyang bisitahin?" nagtataka niyang tanong at hindi natatablan sa aking tingin.

Nag-iwas ulit ako ng mga mata. I just don't like it... Hindi ko siya kayang tingnan doon.

"Kawawa talaga si Isaiah. Sana man lang makonsensya si Keesha sa ginawa niya."

Hindi na ako umimik at itinulog nalang ang natitirang oras. Pagkagising ko ay malapit na kaming bumaba. Kinusot ko ang aking mga mata at tiningnan muli ang bintana. Nilingon ko naman si Elle sa aking tabi na tulog parin. Lumingon ako sa likod. Tulog din si Wayt maliban kay Kuya na nasa labas lang ng bintana ang tingin. Napalingon siya sa akin kaya mabilis kong binawi ang aking mga mata.

Hapon na noong dumating kami sa bahay ng parents ni Tita Abbegail sa Canada. Doon kasi nanunuluyan si Nana with her parents. Malaki naman ang bahay lalo na't ang tanging narito lang rin ay ang lolo at lola niya na parents ni Tita.

"Zera! Elle!" Nakangiting tumakbo si Nana sa amin at pinagyayakap kami.

"Namiss ko kayo!" Nagtatalon na siya sa tuwa na kahit si Elle ay humagikhik narin.

Tanging ngiti ang naigawad ko at sinulyapan ang kanyang suot. Naka shorts short lamang siya at Tshirt. Ang buhok ay naka bun ngunit magulo at may nalalaglag pa. Sa dibdib ako nagfocus. Walang improvement kahit twenty na siya. Wala parin atang boyfriend...

"Tumangkad ka ba, Zera?!" gulat niyang tanong nang ako ang pinagtuunan ng pansin.

"I don't know. Maybe," sabi ko habang hinuhubad ang aking mini packbag na suot.

"Pumayat ka," aniya nang tingnan pa ako mula ulo hanggang paa.

Tinantanan niya rin naman ako lalo na't nagsipasukan narin ang mga boys na nahubad na ang kanilang mga sapatos at doon naman tumakbo si Nana. She hugged Wayt first who smiled at her at iniyapos rin ang kamay sa kanyang beywang para gumanti ng yakap.

Sobra nang ingay sa loob. Humahagikhik si Nana habang sina Kuya Toshi at Kuya Grey na ang nangungumusta sa kanya. Si Ken ay iyong aso naman ang nagawang paglaruan at hinabol habol pa habang ang kambal ay nawili roon sa pacookies ng Lola ni Nana.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon