27th Lured

103K 2.8K 1.2K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Cyril Orpia. Happy reading!
-----------

WARNING: SPG

Ulan

Doon lamang natigil ang aming halikan nang may biglaang kumatok. Pag lingon ko sa may pinto, naroon na si Anzai, nakahalukipkip habang nakasandal sa may pinto.

"H'wag niyong gawing hotel ang hospital," aniya.

Ngumuso ako at ibinalik ang tingin kay Isaiah na ayaw paring bitiwan ang aking beywang. Kumalas ang aking mga kamay na nasa kanyang leeg at napunta nalang sa kanyang balikat. Tiningnan niya naman si Anzai.

"Pwede na raw akong umuwi?" tanong niya.

Tumango si Anzai.

"Oo pwede na."

Nagloosen ang balikat ni Isaiah. Ibinalik niya sa akin ang kanyang mga mata, sa aking labi. Pinatakan niya iyon ng mababaw na halik.

Nadischarge rin naman si Isaiah. Si Anzai ang nag-aalalay sa kanya. Napanatag rin ako noong sinabi niyang sa condo muna ni Isaiah si Anzai. Ayaw pa sana ni Isaiah pero hindi na iyon pinakinggan ni Anzai.

Masaya ako dahil kahit ulila si Isaiah, may mga kaibigan siyang katulad nila Anzai. May masasandalan siya. May tutulong sa kanya sa mga ganitong oras.

Sinundo rin naman ako ni Kuya. Katext ko naman si Isaiah. Now I'm wondering if he's going to school tomorrow? Eh exam na bukas. I'm sure papasok parin iyon.

But the nurse told me na hindi naman iyon masyadong malalim. He can still walk. 'Tsaka mukhang may pain reliever naman siyang gamot, iyong ibinigay ko kay Anzai na ipainom kay Isaiah para mabilis itong gumaling.

Katext ko siya kahit noong nasa kuwarto na ako.

Ako:

Diyan ka nalang kaya sa condo ni Anzai? Pwede ka naman diyan.

Nagreply rin naman agad si Isaiah.

Isaiah:

May sarili akong apartment. Babalik rin ako roon pag magaling na ako.

Ako:

But why? Mabait si Anzai sa'yo kahit ang maldito niya.

Napairap pa ako nang maalala ang sinabi niyang coins. Hindi ko naman nakikita ang mga gamit ni Anzai na maluho ito. Eh puro tubig nga lang ang laman ng fridge niya! Nag-aaral ba 'yon? Saan siya pumapasok? Ilang taon na ba siya?

Ang reply ni Isaiah ang nagpatigil sa aking iniisip.

Isaiah:

Nagreview kana ba? Exam na bukas.

Shit... Pinaalala pa talaga! Nagreview naman ako last week pero dahil hindi niya ako pinapansin, lahat ng ipinasok ko sa utak ko ay para ring tumagas palabas sa tainga ko. Lahat ng 'yon ay limot ko na agad.

Nagtipa ako.

Ako:

Bukas pa.

Isaiah:

We'll review together tomorrow.

Mabilis akong napangisi. Makakaconcentrate ba ako? Iniisip ko lang na mukha niya ang kaharap ko sobra na akong nadidistract.

Gumulong gulong ako sa kama. Natatawa ako sa pinag-iisip ko.

Nagtipa rin naman ako ng reply.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon