53rd Lured

124K 3.4K 1.2K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Vengilyn Blanca. Happy reading!
-----------

Proud

Sunday.

Umaga palang, nasa gym na kami ng condo unit si Isaiah. I was eating some baked potatoes while watching him lift some barbells.

Pawisan na ito. Topless at nakasweatpants lamang. His muscles are flexing. Ang ripples sa dibdib ay nakakapanglaway. Ang matigas na tiyan ay nagpapatulala rin sa akin.

Nagtreadmill ako kanina, pero noong napagod na at heto ako, kumakain habang nakaupo na.

May malaking salamin dito, halos inukupa ang buong pader at makikita mo talaga ang kabuuan, kahit ang likod ni Isaiah ay nakikita ko rin doon kung paano iyon gumagalaw sa bawat pagbubuhat niya.

May malaki ring flatscreen tv sa itaas, mga sari saring equipment.

Sumulyap siya sa akin, malalim agad ang tingin kaya kumurap ako at hindi na gaanong tumitig sa kanya. Isaiah smirked at me, nanunuya na naman ang ngisi sa labi.

Alam niyang guwapong guwapo ako sa kanya at ginagamit niya talaga iyon para alipinin ako. Darn. His stares can melt me anytime, too! Kumakalabog na naman ang puso ko.

Tumayo rin naman siya pagkatapos. Nagtungo siya sa aking gawi at pinasadahan ng haplos ang mamasa masang buhok.

Tumigil siya sa aking harapan at dinampot iyong tuwalya. Isinabit niya iyon sa balikat saka iyong bottled water naman ang dinampot at binuksan.

Napunta ang aking mga mata sa sumisilip na v shape sa may abdomen part. Iniisip ko pa lang ang mas ibabang parte ay mabibilaukan na ata ako sa aking kinakain. God, Zera! Shut-up you pregnant woman! H'wag kanang pumunta sa madilim na parte ng iyong pag-iisip!

"Anong oras tayo aalis?" tanong ko nang ibinalik niya na muli sa tabi ko ang bottled water.

Yumuko si Isaiah, sapat lamang para makalebel ako. He positioned himself between my thigh at ipinulupot ang mga kamay sa aking beywang, sa likod ko na nakahawak.

"Hmm... Around ten or eleven?"

Tumango ako at sinubuan siya ng fry. Nginuya niya naman iyon ng dahan dahan. Ibinaba ko ang bowl sa aking kandungan at kinuha ang towel sa kanyang balikat para punasan ang kanyang buhok.

Pumikit si Isaiah, hinayaan ako sa aking ginagawa. Nasa leeg ko ang kanyang tingin.

"Medyo kinakabahan ako sa reaction ni Dad," pag-amin ko habang nasa buhok ang aking tingin.

"Why? Your Dad looks strict..." ani Isaiah.

Kinagat ko ang aking labi.

"Strict nga siya compared to my Mom."

"Ganoon talaga ang mga Daddy. Nag-iisang babae ka rin kaya hindi na nakakapagtaka 'yon," aniya.

Tumigil na ako sa pagpupunas ng kanyang buhok at ibinaba na iyon sa kanyang leeg. Bahagya pa siyang tumingala para pagbigyan ako access doon.

"Yes... I was spoiled when I was young pero nararamdaman ko talaga ang pagiging strict ni Daddy. Lalo na ni Kuya..."

"Kahit ako rin siguro... I'll be very strict to you if you're my daughter. Ang pilya pilya mo at mukhang ikaw pa itong unang lumalapit sa lalake."

Tumigil ako sa pagpupunas at hinampas ang kanyang balikat. Ngumisi siya.

"How dare you!" pagalit ngunit natatawa ko iyong ibinigkas.

"Totoo naman ah? Remember when we were in college? Ikaw ang unang lumalapit lapit sa akin."

Natawa na talaga ako kahit na pinaliliguan ko siya ng sapak at hinuhuli niya ang aking mga kamay.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon