26th Lured

137K 3.4K 1.2K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Ailene Avila. Happy reading!
----------

Inlove

Halos bumaon ang aking mga paa habang tinatahak ang hindi ko alam na daan makalayo lamang sa stage, makalayo lamang kay Isaiah. I don't care kung maligaw ako. I don't care kung saan ako makarating. I don't care! Gusto kong makalayo sa kanya, sa kanilang lahat.

Hindi ko tanggap iyong ginawa niya. Tinanggap niya ang ibinigay ni Keesha! Para niya naring hinayaan itong tanggapin si Keesha. I told him Keesha likes her tapos ganyan pa siya!

Kung galit siya, h'wag niya akong paselosin! Sinusuyo ko na nga siya, siya pa itong nagmamatigas!

Ang sikip sikip ng aking dibdib habang pinapalis ko ang mga luhang panay ang pag-agos. Shit lang! Shit lang talaga, Isaiah! Walang nagpaiyak sa akin ng ganito! Walang nanakit sa akin ng ganito na halos ang hirap nang huminga! I hate you! I hate you!

"Damonisse!" May pamilyar na sumigaw ng aking pangalan.

It was fucking Isaiah!

Hindi ako lumingon at tumakbo ng mabilis. I don't want to see him! Ayoko siyang kausap! Ayoko sa kanya! Naiinis ako sa kanilang dalawa ni Keesha! Naiinis ako! Ngayon pa niya ako hahabulin kung kailan ay tumatakbo na ako palayo sa kanya! Nasaan na ang pagmamatigas niya? Ba't hindi niya nalang iyon panindigan!

Narinig ko ang yabag ng kanyang mga paang hinabol ako sa likuran. Mas mabilis ang hakbang na iyon, tila mas triple pa ang bilis sa aking pagtakbo.

Ilang sandali lamang, mabilis niya na akong nahigit. Niyakap niya ako kaya nagpumiglas agad ako sa kanyang mga bisig. Galit na galit ako sa kanya!

"Let me go! Uuwi na ako! Ang sabi mo uuwi na ako 'di ba!" Sobra sobra ang aking pagpupumiglas makawala lamang. Sinuntok ko pa ng malakas ang kanyang dibdib kahit na parang wala lang iyon sa kanya at ako pa itong nasaktan dahil sa tigas noon.

"Ihahatid kita, kung ganoo-"

"Shut-up! Bumalik ka roon!" Tinulak ko nalang ang kanyang dibdib.

Bumitaw naman si Isaiah, nakaawang ang labi at nang magtama ang aming mga mata ay namutla agad siya dahil sa aking mga luha. Agad kong pinalis ang mga iyon at matalim siyang tiningnan.

"Gumaganti ka 'no?! I already explained tapos ngayon pagseselosin mo ako! Fine! Uuwi na ako! And don't you even dare text me! Magsama kayong dalawa ni Keesha!" Tinulak ko siyang muli ng malakas na ikinaatras niya.

Hindi ko alam kung ganoon ba ako kalakas o ganoon siya kahina habang nakatitig sa akin.

Naglakad ulit ako habang nakakuyom ang aking mga kamay. Narinig ko naman ang pagsunod ni Isaiah. Ang kanyang anino ay nakikita ko lamang sa gilid.

"Binigyan lang ako ng gatorade ganyan kana kagalit. Eh ako? Sumama ka pa sa putanginang pinagseselosan ko ng husto," galit niyang bigkas.

"Sinabi ko na kumain lang kami! We didn't even kiss!"

"Tangina! Ayokong sumama ka sa kanya kahit kakain lang kayo!"

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Sinamaan niya rin ako ng tingin.

"I told you it's just a friendly lunch-"

"Diyan tayo nagsimula, Zera! You were being friendly to me! Sinasabayan mo rin akong kumain tapos sasabihin mo sa aking wala lang ang ganoon?!"

"Then bahala ka! Paniwalaan mo 'yang pinapaniwalaan mo!" Mas nilakihan ko ang aking mga hakbang at itinuon ang tingin sa harap.

Nakita ko naman sa kanyang anino kung paano niya ginulo ang kanyang buhok.

L U R E D (NGS #5)Where stories live. Discover now