20th Lured

100K 2.7K 1.3K
                                    

Lured

Walang Kayo

Tahimik akong nakatingin kay Isaiah habang pinapanood siyang maingat na ginagamot ng bulak na may betadine ang aking kamay na nasugatan. Hiningi niya pa iyon sa management kaya heto siya sa harapan ko, nakahilig sa kanyang mga hita habang nakayuko at seryoso lamang ang tingin sa kamay ko na hawak niya.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ni Lalaine.

Humalo na kami sa kanilang mesa pagkatapos niyang ligpitin sa backstage ang mga hinawi niya kanina. Nag-iinuman na sila at kanina pa nacucurious nang sinimulan nang gamutin ni Isaiah ang aking kamay.

"Nadapa ako," sagot ko.

"Huh? Bakit?" Nagtatakang si Maritez.

"Naghabulan ba kayo?" ani Lyle sa nanunuyang boses.

Tahimik lamang si Keesha. Kahit dim ang paligid, ramdam ko ang kanyang tingin lalo na't nasa tabi lang ito ni Maritez at nakasentro ang mga mata rito sa dulo ng mesa kung saan ako nakaupo ng patagilid para harapin ng buo si Isaiah na nakaharap rin sa akin.

Tumitig naman si Anzai sa aking labi. Ramdam ko iyon lalo na't agaw pansin ang kanyang tingin.

"Ang pula pula ng labi mo. Nasobrahan sa lipstick? O nasobrahan sa halik?"

Napasinghap sila sa tanong ni Anzai at napatingin sa aking labi. Humagalpak naman agad si Raziel. Ngumuso ako at tiningnan si Isaiah na nasa kamay ko parin ang tingin.

"Oo nga 'no?" si Lyle.

"Baka lipstick lang, Anzai. Zera used too much make-up sometimes kahit sa school," ani Keesha at bahagyang tumawa.

Binalingan ko siya.

"Isaiah bit my lips kaya namumula," sagot ko na ikinapawi ng kanyang ngiti.

Namilog naman ang mga mata ni Lalaine. Kalaunan ay lumawak agad ang ngisi. Si Lyle ay pabalik balik ang tingin sa amin, si Raziel ay ganoon rin, nakangisi habang gulat rin sina Joy at Maritez at lumalagok naman ng beer si Anzai.

"Ba't mo naman kinagat, Isaiah?" Tumawa si Raziel.

Umahon ang tingin ni Isaiah sa akin at tiningnan ang aking labi. He just checked it curiously.

"I'll slow down next time," aniya, ang boses ay sapat lang para ako ang makarinig dahil masyado pang nagugulat sa aking sinabi kanina.

Next time? May next time pa? Namula ako roon habang pinapanood siyang kinuha muli ang betadine para lagyan ang bulak na hawak.

"May tago talagang relasyon iyang si Isaiah at Zera! Hindi lang sila umaamin dahil may iba riyan na masyadong kontrabida!" ani Lalaine at humagalpak ulit.

Keesha didn't pay attention too much. Kinuha niya nalang iyong beer niya at uminom doon. Hindi na rin naman kami nila pinakialaman at hinayaan na lamang.

"Aw..." daing ko nang maramdaman ang kirot sa ginagawa ni Isaiah sa aking kamay.

Babawiin ko na sana iyon nang mas hinigpitan niya ang pagkakahawak at hinipan iyong muli. Huminahon ako nang unti-unting napawi ang kirot.

Umahon ang kanyang mga mata sa akin, tiningnan ako ng malalim at hinalikan ang sugat ko. Lumunok ako nang napaso agad ako sa paglapat ng kanyang malambot na labi sa balat noon.

"I'm sorry," he whispered.

Umiling agad ako. The pain is worth it! Wala naman akong pinagsisihan sa nangyari.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon