7th Lured

82.8K 2.1K 647
                                    

Lured

Torpe

Pagkadating namin sa bahay ni Kuya, narinig ko agad ang boses ni Mommy at Daddy sa kusina. I think they're having fun cooking.

Deri-deritso na ang lakad ni Kuya paakyat sa enggrande naming hagdan at mukhang dederitso na sa kuwarto. Hinubad ko naman iyong suot kong tshirt at napagtantong hindi ko ito nahubad kanina.

Napatitig ako roon. D-Did Kuya notice this? Tumingala ako sa ikalawang palapag ng bahay namin at binalikan ang nangyari kanina.

He didn't ask me about the tshirt, though. Hindi ko rin siya napansing tumitig so maybe he doesn't care anymore since he's pissed.

Itinupi ko iyon at inutusan ang katulong na ihatid ang aking gamit sa aking kuwarto saka ako dumeritso sa kusina.

"Mommy, Daddy..." sabi ko nang maabutan ko silang nagtatawanan. Daddy is hugging her waist while he's trying to cook something infront of Mommy.

Napatingin si Mommy sa akin ganoon rin si Daddy. They're both wearing their couple apron and it's their favorite color, the disgusting pink.

"You're early..." ani Mommy at tiningnan ang relo na katutungtong palang ng 9.

"Mabuti naman at naisipan mong hindi masyadong magpagabi," si Daddy.

See? Si Kuya lang talaga ang sobrang higpit! Kulang nalang magtayo ng militar dito sa bahay at kung makakilos ay akala mo siya ang hari rito!

"Kuya fetched me early," sabi ko at umupo sa upuan.

"Oh... Nagtatanong nga 'yon kung nasaan ka raw dahil hindi ka nakita rito sa bahay," ani Mommy.

Humilig ako sa aking mga palad at bumusangot. Anong gusto niya, palagi niya akong makita rito? I'm already old enough to handle myself! Hindi ako batang paslit!

Bumalik ulit si Daddy at Mommy sa pagtatawanan habang maarteng nagluluto ang dalawa. Kaya sila natatagalan dito sa kusina dahil mas marami pa ang ganoong eksena kaysa magluto.

I stared at them curiously. Siguro ganyan rin akong asawa 'no? Will Trey like it if I hug his back while he's cooking? Pag ako kasi ang pinagluto niya, baka hindi kami makapagtawanan man lang dahil talagang makakasunog ako since I don't know how to cook. I'm quite a lazy person when it comes to cooking. Mahilig lang talaga akong kumain pero wala akong kwenta pagdating sa pagluluto.

Nagpaalam muna si Daddy na magcr kaya agad kong sinilip ang ginagawa ni Mommy sa sink. They're marinating a pork at iyon na ang siniset aside ni Mommy. I think bukas pa nila iyon iluluto para siguro manuot ang sauce na nilagay.

Speaking of sauce!

"Mommy... Can we buy some sauce for pineapple?"

Napalingon siya sa akin.

"Sauce or juice?" nagtataka niyang tanong.

Umiling ako at humilig sa sink habang ang mga mata ay nasa bowl.

"Sauce. Iyong nilalagay sa pineapple para mas sumarap ang lasa."

"What's the name of the sauce? Hindi ko alam may sauce palang nilalagay sa pineapple. Akala ko puro lang 'yon juice like you know... the del Monte chunks pineapple? May juice iyon..."

Umiling ako.

"Iba rin naman 'yon. This one is different. Slice yung pineapple and isasawsaw mo sa sauce..."

"What's its name?" Sumulyap siya sa akin habang hinuhugasan ang kanyang kamay.

"Golonggolong sauce," sabi ko.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon