22nd Lured

100K 2.8K 896
                                    

Lured

Galit

Nakaupo na lamang ako sa kama ni Isaiah habang pinapanood siyang nakatayo, ang isang kamay ay nasa beywang habang ang isa naman ay hawak ang cellphone at may kausap.

Tumango siya roon at sumulyap sa akin. Niyakap ko ang aking mga binti at hinalikan ang aking tuhod. I am so guilty... Masyado akong nanununggab... Hanggang ngayon ay para parin akong hangover sa aming halikan at hindi na naman ako makamove-on. I am still thinking about it.

Binasa niyang muli ang labi at tumango.

"Sige. Pupunta kami," aniya at binaba rin ang tawag.

"Sino 'yon?" tanong ko.

"Si Lyle. Birthday niya. Inimbitahan tayo," aniya at tumalikod saka hinila ang suot na tshirt.

Suminghap ako nang makita ang kanyang likod. Napaka well toned ng katawan ni Isaiah. Halos sundan ng aking mga mata ang pagflex ng kanyang muscles.

Nagtungo siya sa kanyang drawer at binuksan iyon. Nangalkal siya roon ng maisusuot saka niya inilabas ang aking dress na inihalo ko roon at inilahad iyon sa akin.

"Get dress, Damonisse."

Dahan dahan akong bumaba sa kama. Kinuha ko iyon.

"Akala ko ba mag-aaral ka?"

Ibinalik niya ang atensyon sa harapan at nangalkal muli ng maisusuot.

"Mamaya nalang gabi. Lumabas nalang tayong dalawa at baka ano pang maisipan nating gawin dito."

Kinagat ko ang aking labi. Nagtungo rin naman ako sa cr dala dala ang namumula kong pisngi.

Isaiah can't blame me. Ang sarap niyang humalik at masyado niya akong nawiwili! Masyado niya akong hinihila sa karupukan at iyon nalang palagi ang aking iniisip!

Paglabas ko ay dala dala ko na muli ang kanyang mga damit. Nadatnan ko siyang binobotones ang itim na button down shirt, naka pants na at itim na boots.

Inilapag ko sa kama ang kanyang damit at sinubukan iyong tupiin. Isaiah watched me do it. Ilang beses ko iyong pinagbabaliktad kaso parang hindi ko naman natutupi ng maayos hanggang sa lumapit narin siya at siya nalang gumawa noon.

Umupo ako sa kama at pinanood siyang tupiin iyon ng mabilis.

"I'm really good at nothing," sabi ko.

Umangat ang dalawa niyang kilay sa akin. Tumayo siya dala-dala iyon at inilagay na sa loob ng drawer.

"You're good at seducing me."

Iyon lang... Pero pagdating sa mga gawaing bahay, ni isa wala. I don't know how to cook, I don't know how to fold some clothes, I don't know how to wash dishes, I don't know anything...

Tumayo siya at kinuha ang aking sling bag. Tumayo narin ako para maunang lumabas.

Humalukipkip ako habang pinapanood siyang isara ang kanyang apartment. Isaiah looks so fine kahit nakatalikod siya.

Bumaba rin naman kami roon. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa ibaba. Humawak ako sa kanyang braso habang naglalakad na kami.

"Ilang taon na si Lyle?" tanong ko.

"21," sagot niya.

"Ah... Matanda na pala siya?"

"Natatandaan ka sa 21? I am 21, too..."

Ngumisi ako sa kanya. "So apat na taon ang agwat natin... Apat na taon rin ang gap namin ni Trey."

Nang marinig niya ang pangalan ng aking binanggit ay awtomatikong dumilim ang kanyang ekspresyon at nag-iwas ng tingin sa akin. Unti-unti namang napawi ang aking ngiti nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Shit...

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon