30th Lured

77.6K 2K 1.1K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Aretha Blaize Cozette Janio. Happy reading!
-----------

Sana...

Natulala ako ng ilang sigundo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa sinabi ni Keesha pero habang pinapanood ko siyang umiiyak at takot na takot ang mukha ay hindi ko magawang tumawa.

Isaiah... Isaiah molested her? Isaiah can't even look at her in the eyes! Paano iyon? Baka naman tulog siya buong araw at nanaginip sa sobra niyang pag-iisip na magugustuhan rin siya ni Isaiah.

"It was all your fault!" sigaw niya sa akin at itinuro ako sa galit na mukha.

"Keesha. Walang kasalanan si Zera rito," ani Trey ngunit umiling lang si Keesha.

"No... You don't know anything, Trey! Plano itong lahat ni Zera! She told me Isaiah likes me! She lured me to like Isaiah back just to get you!"

Napaawang ang bibig ni Trey at takang taka akong nilingon. Napalunok ako roon. This bitch is crazy!

"Alam ng lahat kung gaano siya kabaliw sa'yo. Alam mo kung gaano ka niya kagusto kaya noong nalaman niyang nililigawan mo ako ay nagalit siya! She used Isaiah to get you! K-Kaya kita binasted dahil p-pinaniwala niya akong g-gusto ako ni Isaiah at ngayon... At ngayon marahil ay inutusan niya rin si Isaiah para wala nang hadlang sa inyong dalawa..." Bumuhos lalo ang kanyang mga luha at tinakpan ang mukha.

Rumagasa agad ang aking sa aking sistema pero nangibabaw ang takot. Sa tingin ni Trey, ang kanyang mga mata ay takang taka at hindi makapaniwala sa narinig.

"Is that true, Zera?" tanong niya sa akin.

Kinagat ko ang aking labi. Yes... Yes it's true pero sa umpisa lamang iyon! Isaiah told me he likes her kaya ko siya nilapit lapitan.

"Zera," tawag ni Trey sa baritonong boses na kahit hindi naman malakas ang kanyang boses ay nagulat na ako.

"Close silang dalawa! Saksi ako r-roon, Trey! Zera planned all this t-to pushed me away from you..." ani Keesha at halos habulin ang hininga.

"Ba't mo..." Hindi na halos madugtungan ni Trey ang kanyang tanong at nasa akin parin ang mga mata. Litong lito parin.

"U-Umamin kana, Zera!"

"Shut up you bitch!" sigaw ko sa galit. "Napakasinungaling mo! Baka nga... Baka nga-"

"At ako pa ngayon ang babaliktarin mo?! You manipulated me! Hindi ba at totoo naman?! You used Isaiah to lure me! Para mailayo ako kay Trey! Hindi ba?!"

Matalim ko siyang tiningnan habang nanlalabo ang aking mga mata. Hindi agad ako nakasagot. Shit!

"Zera," bigong tawag ni Trey sa akin.

Napatingin ako sa kanya habang pinipigilan ang aking mga luha.

"Is that... is that true?" marahan niyang tanong at tila gusto nalang kumpirmahin ang kanyang iniisip sa aking bibig.

Bumuhos agad ang aking mga luha. Hindi ako dapat maiyak sa simple niyang tanong pero hindi ko na napigilan.

Tumango ako at yumuko.

"Totoo pero..."

"See?! You're the mastermind behind all this things and you even lured Isaiah to... to molest me-"

"Tama na!" sigaw ni Isaiah at tumayo.

Pumikit ako habang pinapalis ang aking mga luha. It was true. I did that to lure her to Isaiah... I did that to pushed her away to Trey. Pero sa kalagitnaan ay nagbago iyon. Sa kalagitnaan ng aking kagustuhang makuha si Trey ay nahulog ako kay Isaiah.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon