Lured
This chapter is dedicated to Princess Honeylette Maningas. Happy reading!
----------Session
Isaiah helped me with the shrimps. Siya ang nagbabalat noon habang isinasawsaw ko iyon sa honey. Irah was busy eating her baby back ribs, too. Si Kuya Toshi naman, pasulyap sulyap sa aking kinakain, hindi na nagtataka at marahil ay may ediya na.
Kuya Toshi and Isaiah were talking with their work seriously habang kami naman ni Irah ay iba rin ang topic, malayong malayo sa topic ng dalawa.
"Ano ba 'yang kinakain mo? Nakakaduwal..." reklamo niya nang isinawsaw ko iyong muli sa honey.
"Eh sino kaya itong nilalagyan ng cheese ang cup noodles?"
Kuya Toshi glance at me. May sasabihin sana ito kaso nang matalim na tiningnan ni Irah ay natutop ang bibig at ibinalik ang atensyon kay Isaiah.
Noong magtagal na ang aming pag-uusap, nakisali narin sila sa amin at agad naming sasamaan ng tingin. Balak kasi sana naming mag travel na kami lang sanang dalawa at hindi agad sila pumayag.
"Ayaw mo niyan... Hindi ka maiistress ng ilang araw dahil wala ako," ani Irah kay Kuya Toshi.
"Mas maiistress lang rin ako kung wala ka sa tabi ko. You're not going anywhere," si Kuya, ang boses ay puno na ng awtoridad na hindi talaga pumapayag.
Naiisip ko tuloy kung sino talagang mas clingy. Ang mga babae o ang lalake? Sa aming dalawa ni Isaiah. Sino ang mas clingy? Am I clingy?
Inisip ko ang mga araw na kasama ko siya. Three days palang simula noong tumira ako sa condo niya. See, Zera! Tatlong araw palang ang lumipas at nagkabati agad kayo! Clingy na ba 'yon? Should I distance myself sometimes? Nakakasakal ba 'yon?
Pagkatapos rin namang kumain, noong busog na busog na ako, ay nagpasya narin kaming umuwi ni Isaiah since gusto naring iuwi ni Kuya Toshi si Irah dahil bawal daw nalalamigan ang buntis.
Noong malaman rin iyon ni Isaiah ay ayun, gusto narin akong iuwi.
Kalmado narin naman ako lalo na't busog na at higit sa lahat ay naaamoy ko na naman siya.
"Gusto mo bang magtravel?" biglaan niyang tanong habang pauwi na kami, nagmamaneho ito gamit ang isang kamay.
"Of course..."
Tumango siya at pinisil ang labi.
"Let's travel after my hearing. Ibabakante ko na muna ang mga schedule ko."
Isaiah is very busy pero nararamdaman ko naman na naglalaan talaga siya ng oras para sa akin. He always update me with his work, his meeting and such.
Kaso may mga gabi talagang natatagalan siya sa pag-uwi.
Huwebes iyon noong matagal siyang nakauwi at nakatulog nalang ako sa paghihintay. Doon lamang ako nagising noong umuga ang kama at nakita ko na si Isaiah.
"I'm sorry... Medyo natagalan ako." Pinatakan niya ng halik ang aking ulo.
I was tired to argue with him pero ramdam ko ang pagtatampo sa aking sistema. Tumalikod na lamang ako at hinila ang kumot, ayaw na itong kausap pa.
Akala ko kasi sabay kaming magdidinner. Naubos ko nalang ang isang plato ng pagkain ay wala parin siya kaya nagpasya nalang akong matulog.
Nakatulog ako sa sobrang frustrations dahil sa iniisip ko na baka iba na ang kanyang pinagkakaabalahan. We're not yet married. Buntis lang naman ako at nagkabati lang naman ulit kami but I don't know yet if we're really couple or not.

BINABASA MO ANG
L U R E D (NGS #5)
RomanceZera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to fall inlove with her. Sa larangan ng pangmamanipula at pang-aakit, nangunguna ang kanilang pamilya...