24th Lured

90.4K 2.1K 618
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Jhay Lengua Avila. Happy reading!
----------

Court

Alas nwebe y media na noong namalayan ko ang oras. Namilog agad ang aking mga mata at mabilis na chineck ang aking cellphone. Nakita ko roon ang missed calls ni Kuya.

Ilang sandali lamang, nadatnan ko na ang kanyang tawag. Mabilis ko iyong sinagot habang lumalayo ng bahagya lalo na't sobrang ingay parin nila dahil sa panibagong laro.

Sinundan ko ang tingin ni Isaiah. Itinuro ko ang cellphone ko kaya tumango siya, ngunit nakasunod parin ang mga mata sa akin habang lumalayo ako.

"Kuya..." sagot ko sa kabilang linya.

"Hindi purket pinapayagan kang gumala tuwing gabi ay sosobra kana. Nasaan ka ngayon? Susunduin na kita."

Kinagat ko ang aking labi at nilingon muli si Isaiah na nakatingin sa akin, ang mukha ay namumula parin dahil sa kakainom.

Ibinalik ko ang tingin sa harap at tumango.

"Uh... Itetext ko sa'yo pagkababa nito, Kuya," sabi ko.

"Siguraduhin mo," aniya at pinutol rin ang tawag.

Hindi ko rin talaga gets itong si Kuya. Supportive minsan tapos biglang magsusungit. Sino ba 'yang crush niya at parang pinapainit ang ulo ni Kuya?

Bumuntong ako ng hininga at nagtipa ng mensahe para isend ang aking lokasyon. Bumalik rin naman ako sa gawi ni Isaiah.

"Susunduin na ako ni Kuya." Sumimangot agad ako.

Tumango naman siya.

"Better," aniya.

Mas lalo lamang akong sumimangot. I still want to be with him! Ang sarap na h'wag nalang umalis sa kanyang tabi at kami nalang ang magkasama palagi.

Hindi na ako nagtaka noong mabilis ring dumating si Kuya. Katext ko nalang si Isaiah sa front seat habang si Kuya ay palingon lingon naman sa akin.

"Ang tamis ng ngiti mo baka langgamin tayo rito," aniya.

Mas lumawak ang aking ngisi.

"Katext ko ang future boyfriend ko. I'm going to have a lovelife after my birthday!" pagmamayabang ko sa kanya.

"Marupok ka eh," ani Kuya at ipinatili ang tingin sa kalsada, suot ang itim na jacket at supladong mukha.

"Ipapakilala kita sa kanya, don't worry Kuya... You will like him I'm so sure of it."

Tumango naman si Kuya, ni hindi hinulaan kung sino iyon, o binanggit man lang ang pangalan ni Trey. Iniisip niya bang si Trey iyon o iba na ang takbo ng isip niya?

Nagvibrate ang aking cellphone kaya nalaglag agad ang aking tingin doon. Binasa ko ang reply ni Isaiah sa tanong ko kung uuwi na ba ito.

Isaiah:

Uuwi ako maya-maya dahil may kailangan pa akong kabisaduhin.

Ah, I remember! May sasalihan nga pala siyang patimpalak at siya ang pambato ng school!

Nagtipa ako:

Ako:

Uwi ka agad. Don't drink too much!

Nagreply naman agad si Isaiah, tila nakaabang lang.

Isaiah:

Alright.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon