45th Lured

163K 3.6K 1.1K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Nicolle Ibañez. Happy reading!
-----------

Stain

Pinag-isipan ko ng mabuti kung ilaw araw na akong delayed. I even checked my calendar on my phone at nakumpirmang two weeks na akong delayed!

Isaiah didn't use a protection I'm so sure of it! Hindi siya nagcondom sa akin at ito palang ang unang beses na nadelayed ang menstration ko since I'm regular. At may nangyari pa sa akin sa nakaraan na buwan!

Hindi na muna ako nag pt at pinakiramdaman ang aking sarili. Noong linggo ng umaga ay nagising nalang ako at nagsusuka na. Sobrang sama ng aking pakiramdam at para na talaga akong mahihilo. Madalas pa akong nag kaka cramps at kahit ang aking likod ay sumasakit din.

Gosh... I think I'm really pregnant! Malakas ang kutob ko roon!

Ibinalita ko agad iyon kay Irah through text that my period is delayed. Umaga ng lunes ay nagulat nalang ako na sinugod niya na ako rito sa condo ko.

"Use this." Ibinigay niya sa akin ang dalawang pt na mukhang binili niya pa.

Buhaghag pa ang aking buhok. Kakatapos ko lang magsuka at masakit na naman ang aking ulo. Ni hindi pa ako nakakahilamos tapos bumungad na itong bihis na bihis sa akin, bagong ligo suot ang dress niyang kulang nalang ay maging bestida sa aking mga mata.

"Why are you so early?" tanong ko at isinuot ang indoor slipper, bumababa muli sa kama ko.

"Just use the pregnancy test!" Iritado niyang sabi at gusto na ata akong itulak sa cr.

"Okay! Okay! Ba't ka sumisigaw?" Iritado ko rin akong umirap at naglakad na papunta sa cr dala dala ang pt.

Kinakabahan ako actually pero nangingibabaw ang excitement. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Pagkatapos kong umihi ay naglagay agad ako noon sa pt at lumabas para hintayin ang result.

Inilagay namin iyon sa mini table at kapwa namin tinitigan. Hinintay namin iyon, ni isa ay walang nagsasalita.

"Ba't ang tagal?" Naiinip kong sabi at gusto nang tumayo kaso hinila niya ako.

"Wait! Look!"

Walang kumukurap nang unti-unti nang kumalabas ang result. Ang puso ko ay parang lalabas sa aking ribcage.

"Oh my God! Oh my god! That's positive!" Nagtitili na si Irah nang makita ang dalawang linya.

"Really?!" Napatayo narin ako.

"Yes! Oh my God you're pregnant!"

Nagtilian kaming dalawa at napatalon sa sobrang saya. I was so happy! Halos makalimutan kong buntis rin pala siya at nagtatalon pa kaya pinigilan ko agad.

"You're pregnant!" Niyakap niya ako ng mahigpit.

Tumulo agad ang aking mga luha at hindi mabura bura ang ngiti sa aking labi. Ngayon lang ulit ako sumaya ng ganito katindi!

I always want a baby! Gustong gusto ko nang magka responsibilidad at magkaroon ng kasama sa buhay. Ang walong taon na binalot ng kalungkutan ay sa wakas at natapos narin...

Oh my gosh... I am so happy! Sobra sobra akong nawiwindang at sobra sobra akong natutuwa sa naging resulta. Sa lahat ng padalos dalos na desisyon, sa lahat ng nangyayaring hindi maganda sa buhay ko, ito na ata ang pinaka masaya!

"Ano nang plano mo ngayon? Are you going to tell this to Isaiah?" tanong niya nang mahimasmasan kaming dalawa.

Umupo ako sa sofa at naalalang si Isaiah pala ang nakabuntis sa akin. Bigla kasing iyong baby nalang ang naging matimbang. Bigla akong nawalan ng pake kay Isaiah.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon