9th Lured

77.6K 2.8K 701
                                    

Lured

Lasing

Nagpahatid muna ako sa malapit na Mall to buy some new dress since it's still 5pm. It really take me an hour for a single dress. Ganoon ako ka mabusisi when it comes to my clothes. May nakita akong isinuot ni Irah last week eh and I like the detailed of her dress so I'm going to find one that look exactly like her.

Hindi ko na namalayan ang oras at naka dalawang pili na ako. Doon lamang ako tumigil nang tiningnan ko ang aking suot na wrist watch ay 6:10 na.

I also checked my phone at may text na nga roon si Lalaine.

Lalaine:

Nandito na kami ni Joy.

Why am I suddenly close with this girl? Inisip ko kung saan ito nagsimula since I don't really like friends. Oo nga pala... They're Isaiah's fans... Banda pala.

Hindi na ako nagreply and took my time to pay for my clothes.

6:30 na noong dumating ako, dala dala ang dalawang paperbag at isang milktea sa aking kamay.

Pumasok ako sa parang Bar since may mga nag-iinuman ng beer nang tuluyan akong pumasok at medyo dim pa ang paligid.

Hindi gaanong maingay at mukhang chill ang loob. May counter where the bartender serves some beers at may maliit naman na stage sa harap with some stools and such para sa mga kakanta.

Malamig ang loob at mukhang mayayaman ang mga naririto.

"Zera!" tawag ng kung sino.

Iginala ko ang tingin while sipping my milktea hanggang sa nakita ko ang pamilyar na si Lalaine, si Joy at iyong mala nerd with her thick glasses. Seriously...

Nagtungo ako sa kanilang gawi. Kitang kita ko kung paano namangha iyong nerd at si Joy dahil hinead to foot pa nila ako. Ako lang ata ang masyadong girly manamit since lahat sila ay naka pants. Pare-parehas rin ang suot nilang tshirt at may nakalagay na 'Chasing Sunset'. Mga nerd.

"Ang ganda mo! Para kang model!" si Joy nang makalapit na ako ng tuluyan.

Tamad akong ngumiti ng kaonti at inilapit sa bakanteng upuan ang paperbags.

"Ano 'yan, Zera? Patingin ha," si Lalaine na kinuha pa iyon.

Kahit si Joy ay nakisilip narin habang ang nerd ay titig na titig parin sa akin. Inilapag ko ang aking milktea at umupo. Wala ba silang order? Nakapaskil sa labas na ang mga oorder lang ang pwede rito ah?

May lumapit na waiter.

"Pwede na po ba Ma'am?" tanong nito na ikinalingon ni Lalaine at tumango.

"Oo pwede na. Nandito na ang friend namin! Pakibigay nalang sa kanya ang menu," aniya at ibinalik ang tingin sa loob ng paperbag.

Umangat ang aking kilay. Did they just use me para makapasok sila sa mamahaling lugar na ito?

But anyway... May extra naman akong pera so nevermind. Pupunta rin naman talaga ako rito since I want to watch Isaiah, too.

Bumalik ang waiter at inilahad sa akin ang menu. Pinasadahan ko iyon ng tingin at puro drinks lamang ang naroon. Maybe I'll just go with beer na may mga flavors.

"Ang ganda naman nito, Zera! At ang mahal mahal pa! Piso nalang ang kulang 1k na oh!" ani Lalaine nang inilabas ang binili kong dress.

"Don't touch it too much baka masira," sabi ko nang makita kong hindi niya iyon hinahawakan ng maayos.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon