15th Lured

88.6K 2.2K 1K
                                    

Lured

Pissed

Sa condo kami ni Anzai nagpalipas ng oras. Nanonood ako ng tv na nasa HBO at may palabas na vampire something while the two are talking seriously for their upcoming gig this Sunday. Iyong iba naman ay sila nalang ata ang nagkakaintindihan.

"Okay na kayo?" si Isaiah iyon.

Naroon sila sa bandang veranda. Noong pasimple akong lumingon ay nakita ko si Anzai na na naninigarilyo na roon habang si Isaiah ay seryosong nakatingin sa kaibigan.

Ibinalik ko agad ang tingin sa tv nang lumingon si Isaiah. Kumuha ako ng grape na nasa aking kandungan at iyon ang kinain.

"Kailan ka uuwi?"

Hindi kumibo si Anzai sa tanong ni Isaiah.

"Buti nga ikaw may uuwian pa," aniya, naging matabang ang boses.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya. Nahuli niya agad ang aking mga mata at tinaliman ako ng tingin kaya ibinalik ko nalang ulit ang tingin sa tv.

What does he mean by that? Nasaan nga pala ang pamilya ni Isaiah? May kapatid ba siya?

Hindi rin naman kami nagtagal doon at iniwan rin namin si Anzai. Habang pabalik kami sa school at nakasakay na sa tricycle ay hindi ko na naiwasang magtanong.

"I'm just curious... Nasaan ang parents mo?"

Malamig ang ipinukol niyang tingin sa akin, nakatitig lamang at wala atang balak sumagot.

"Narinig kita kanina... You told Anzai-"

"Tsismosa," aniya at nag-iwas ng tingin.

"Bakit? I am just curious since you're living alone. Taga province ka ba? Did you went here to pursue your dreams? May kapatid ka?"

Isaiah licked his lowerlip and brushed his hair using his finger. Medyo nabalandra ang kanyang noo dahil sa kanyang ginawa saka humawak sa gilid ng tricycle.

"Ulila ako," malamig niyang sagot. "Bata pa noong mamatay ang parents."

Dahan-dahang umawang ang aking bibig. W-Wala na siyang parents? Kaya ba ganoon na lang siya ka sipag? He only have himself. Wala palang tumutulong sa kanya. Maybe the reason he study really hard because of this.

Hindi na ako nakapagsalita at nakatitig na lamang sa kanya. Gusto ko pa sanang magtanong kung anong ikinamatay nila pero halatang ayaw niya rin iyong pag-usapan dahil sa yumayakap na ekspresyon sa kanyang mukha. Nang mapansin niyang nagtagal ang aking mga mata ay bigla niyang hinilamos ang kanyang palad sa akin.

"Stop staring," iritado niyang sabi.

Kumurap ako at tumitig parin sa kanya.

"Namamangha lang ako. You're working hard for yourself. Nag-aaral ka and nagwowork at the same time plus namimaintain mo pa ang grades mo."

"Determinado akong makatapos kaya makakatapos talaga," sabi niya.

"Eh ano bang course mo?"

"Engineering..."

"Wow... Engineer Silvestre." Ngumisi ako na ikinailing niya at nag-iwas ng tingin sa akin. I tilted my head just to see his expression kaso mas lalo lang iniwas ni Isaiah ang mukha, ayaw nang titigan ko siya.

"Pag may license kana as an Engineer, sa'yo na ako magpapagawa ng bahay."

Sumulyap ang kanyang mga mata sa akin.

"Mahal ako maningil," sabi niya sa baritonong boses.

"It's okay. I'll pay you." I chuckled.

Naging seryoso lalo ang kanyang ekspresyon at nag-iwas muli ng tingin sa akin.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon