34th Lured

71.5K 2.1K 2.2K
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Yzah S. Evangelista. Happy reading!
---------

I'm Sorry

Hindi na ako mapakali noong araw na iyon. Kahit ano ano nalang ang pinaggagawa ko. Para akong nawala sa sarili. I am so guilty... Wala pa naman sana si Isaiah sa harapan ko ay pinagpapawisan na ako.

Pag nagtanong siya, ano ang isasagot ko? Alibi Zera! Yes... Mag alibi ka na busy ka sa school. But what if he won't buy that? Paano naman ang tanong niya tungkol kay Trey? How will I answer it without stuttering? Just don't look at him in the eyes! Avoid looking at him in the eyes and excuse yourself immediately. H'wag mong hayaang magtagal ang usapan niyo.

Sinapo ko ang puso kong sobrang nagwawala. Hinabol ko ang aking hininga at mariing ipinikit ang mga mata. Past 10 o'clock pm na ng gabi pero heto ako at sobrang nababahala sa balita ni Kuya sa akin kaninang umaga.

Nagchange ako ng number kaya hindi niya narin ako matetext. Pero pwede siyang sumulpot dito anytime! I am really really nervous. Parang matutunaw agad ako sa kanyang harapan.

Nagbeep ang aking cellphone na ikinagulat ko.  Tiningnan ko iyon at nakita ang text ni Trey.

Binuksan ko ang kanyang mensahe.

Trey:

Pupunta ako bukas sa bahay niyo.

Tinitigan ko pa iyon bago ako nagtipa. I can't remember anything. May okasyon ba bukas dito sa bahay?

Nagtipa ako.

Ako:

Why?

Bago ko pa iyon mailapag ay nagreply na agad si Trey.

Trey:

I'm courting you, remember?

Oh... Summer na nga pala. Ibig sabihin ay tatanggap na ng manliligaw si Daddy sa bahay. Akala ko nga eh nagsisimula na siya. He's being extra sweet to me these past few days. Sinusundo niya ako, tinitext ng Good morning, good night. Niyayaya sa labas. Marami siyang ginagawa na akala ko ay panliligaw na.

Nagtipa ako.

Ako:

Okay... May lakad tayo bukas?

Trey:

We can go somewhere if you like.

Ako:

Sige. Gusto ko rin kasing gumala.

Ayoko rito sa bahay. Ayokong manatili rito dahil parang aatakihin ako sa puso ano mang oras. I need a fucking diversion! Gusto kong lumayo. Gusto kong magsaya. Gusto kong umuwi ng gabi at matulog agad nang walang inaalala.

Oh really, Zera? Just admit to yourself that you're avoiding him, you're avoiding Isaiah.

Nagreply ulit si Trey.

Trey:

Do you want to travel?

Naalala ko bigla ang pangarap ko, ang pangarap namin ni Isaiah. What happened, Zera? What happened?

Bumuntong ako ng hininga at kinagat ang labi. I still want to save that with Isaiah. Kung hindi rin naman siya ang makakasama ko ay h'wag nalang. Pangako ko iyon na kung hindi ko man matutupad kay Isaiah, ay hindi ko rin gagawin sa ibang lalake.

Ako:

Not really. Medyo tinatamad ako since we're really travelling alot.

Nagreply rin naman si Trey.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon