54th Lured

125K 2.6K 792
                                    

Lured

This chapter is dedicated to Neri Angel Miranda Pido. Happy reading!
----------

Low Class

Sa paglubog ng araw ay nanatili na kami sa labas, facing the pool, lalo na't nag-iinuman sina Daddy at Isaiah. Bigla bigla silang naging close at para nang mag-ama dahil sila na ang madalas na nag-uusap at nagngingisihan. Malayong malayo na ang kanilang topic. Kapwa sila may beer habang kami naman ni Mommy ay may sarili ring mundo dito sa may veranda.

Nakaupo ako sa bilugang couch ganoon din si Mommy na sinusuklay suklay ang aking buhok. Namumungay ang kanyang mga mata, hindi parin nabubura ang kislap doon dahil sa nalaman.

"Ilang weeks na ba 'yan?" tanong ni Mommy.

"Eight weeks na po ata ang tiyan ko, Mommy..."

"God... Sobrang saya ko sa'yo. I can't wait to carry my apo, Zera."

Ngumiti ako kay Mommy at hinaplos ang flat kong tiyan. Iniisip ko na kung kanino siya magmamana. Kay Isaiah ba? O sa akin? O baka naman magkakahalo kaming dalawa? Mamamana niya ang katalinuhan ni Isaiah habang mamamana niya sa akin ang ganda. O di kaya, kung lalake man, ang karupukan ko at pagiging habulin ng babae niya katulad ng kanyang Daddy.

But I really do hope it's a boy... Halata kasing plano pa ni Isaiah na magdagdag ng anak.

"I already texted your Kuya! Ibinalita ko sa kanya sa sobra kong pagkaexcite!" ani Mommy na kumuha ng aking atensyon.

"Tingin mo may ideya siya na si Isaiah, Mommy?"

Tumango agad si Mommy.

"Of course... Ako nga nagka-ideya na si Isaiah ang maaari mong dalhin dito si Hiro pa kaya. I'm sure si Isaiah rin ang maiisip noon." Ngumiti siya sa akin.

Sabagay... Kuya is Mommy's boy version pagdating sa malalakas ang kutob at maraming napapansin sa paligid. Ang sabi rin ni Mommy sa akin, hindi raw siya madaldal noon at makulit unlike me so maybe mana ako kay Daddy? Si Kuya kasi ang tahi-tahimik na nga, sobrang suplado pa.

But I know how to provoke someone... Iyon nga lang, ginagamit ko lang pag needed na. Katulad noong case ni Kuya Toshi... Iyong naenvolve siya sa ibang babae. Irah is my dearest friend kaya nasaktan talaga ako sa nangyari.

"Maiba ako... Did Isaiah told you about his background?" Nilingon niya ang kinaroroonan ng dalawa kaya napalingon narin ako.

Humagalpak si Daddy roon, si Isaiah ay nakangisi lamang at pulang pula naman ang mukha, katulad ng nangyayari sa tuwing umiinom siya.

"What about it, Mom?"

"Alam mo na... Baka matulad na naman sa sinapit ni..."

Nang magkasalubong ang aming mga mata ay alam ko na agad ang kanyang tinutukoy. Hindi naman siguro ganoon ka makapangyarihan ang kanyang Daddy right? Baka sadyang nakitaan talaga siya ng potensyal kaya siya nakapag-aral sa mamahaling school sa ibang bansa.

But how about those other countries? Iisipin kong naging full scholar siya roon pero paano naman ang mga gala niya? He did it while studying... Nakakapagtravel pa siya around cities in US.

"I'm not sure pero wala namang nangyayari sa akin, Mommy..."

"I'm just worried you know. They're friends, right?"

Tumango ako. "Close..."

"Alam mo naman na ayaw kong mangyari sa'yo iyon... I'll probably die because of worrying too much," malungkot niyang saad sa boses na halata rin ang takot.

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon