21st Lured

95.3K 2.8K 640
                                    

Lured

Boyfriend

Iritang irita ako kay Keesha. Kung siya ang gusto ni Isaiah dapat siya ang nilalapit lapitan! Sana kahit ang parteng iyon ay makuha niya.

Nakakagigil siya. Ang feeling feeling!

Holiday noon kaya walang pasok. Pagkagising ko ay nadatnan ko na si Daddy na nagluluto sa kusina. I think tulog pa si Mommy while Kuya isn't around. Tulog pa rin siguro?

Umupo ako sa countertop at humikab. Lumapit naman si Daddy sa akin at hinalikan ang aking noo saka siya naglapag ng mug.

"Morning, princess..."

"Morning, Dad..."

Bumalik siya sa kanyang ginagawa, nakaapron at medyo buhaghag pa ang buhok.

Hinaplos ko naman ang katawan ng mug at dinama ang init noon. Inangat ko iyon at sumimsim nang maalala sa tamis ng lasa ang halikan namin ni Isaiah. Oh really? Ang aga aga iyon na agad ang iniisip ko!

But speaking of Isaiah... Tiningnan ko si Daddy habang busy sa pagluluto.

"Uhm, Dad... Pwede na ba akong magboyfriend?" tanong ko.

Tumango naman agad ito, hindi man lang sumulyap sa akin at may kung anong ginigisa.

"Oo naman."

Napangisi agad ako saka siya sumulyap.

"Pag nakapagtapos kana," dugdtong niya na mabilis na ikinapawi ng aking ngiti.

"Pero ang tagal pa noon!"

Umangat ang kanyang kilay at nagbasag na ng itlog sa kabilang pan.

"Three years nalang graduate kana. H'wag mong isipin ang araw sa taon para hindi matagal."

"Daddy unfair! Birthday gift mo nalang sana 'to sa akin!" Bumusangot na ako ng husto.

Sumulyap siyang muli.

"Pag maaga kang magboboyfriend, maaga rin kayong maghihiwalay. Pero kung naghintay ka ng three years... hindi agad kayo magb-break," aniya na ikinairap ko ng husto.

I don't get his logic! Gusto ko nang magkaboyfriend. I want Isaiah to be my legal boyfriend. I hate it when someone's staring at him thinking he's single! Ayokong ganoon. Gusto ko maisip ng lahat ng babae na titingin sa kanya na pagmamay-ari ko na siya! Gusto ko iyong maisampal kay Keesha!

"Good morning... Ba't ang aga mong nakabusangot?" ani Mommy, bagong gising suot ang polo ni Daddy nang masulyapan ang aking ekspresyon.

I watched him went to my Daddy's back and gave him a hug.

"Ang bunso mo, nagpapaalam na sa akin na pwede na raw ba siyang magboyfriend. Ang sabi ko pagkatapos na ng college niya," ani Daddy.

"Mommy! This birthday, may ipapakilala ako."

Ngumiti si Mommy sa akin at tumango.

"Sure, Zera. You're already eighteen. Ipakilala mo sa amin sa birthday mo," aniya na ikinalingon agad ni Daddy pagkapatay ng stove.

"Gusto ko pag nakapagtapos na siya ng college, Scarlet Gail. Pag sakaling maagang nabuntis, at least nakapagtapos na."

"Dad!"

Mommy chuckled at hinaplos ang panga ni Daddy.

"I had my first boyfriend when I was thirteen. I even had my first kiss when I was thirteen-"

L U R E D (NGS #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon