Chapter 1

249 6 0
                                    


This is a multi-genre story. Hope you enjoy! : )

***

"Buong linggo na po kayong nagkukulong sa kwarto, Kamahalan. Nag-aalala na po ang mga taong bayan sa inyong kalagayan."

"Matapos ang sinapit ng inyong mga magulang, labis na nagluksa ang ating buong bayan. Lahat ng tao ay nasa labas ng palasyo at nakikidalamhati."

"Tunay talagang tapat ang mga tao sa Royal Family. Nakalulungkot lang dahil kailangang may magbuwis ng buhay."

My two personal assistants kept conversing about what happened.

What did really happen?

Pilay na ang bayan ng pamilya ko.

Tumayo ako upang maligo. Sinenyasan ko ang dalawang tauhan na umalis. Simula nang mawala ang aking mga magulang ay mas ginusto ko nang mapag-isa at mawalan ng katulong sa kahit ano pa mang bagay.

After everything that happened?

Sa murang edad, isa na akong ganap na reyna ng napakalaking bayan ng Mesqueta. Ilang mga karatig bayan ang sigurado akong nagbabalak nang sakupin ang bayan ko dahil alam nilang pilay na ito.

Ang aming bayan ang pinakamalaki sa limang bayan na meron ang Estes. At alam kong may alam sila sa likod ng pagkawala ng aking mga magulang.

Even these fake people. I should've known better. Sana ay noon pa lang ay hindi na ako natutong magtiwala nang sa gayon ay hindi ako ganitong sobrang nasasaktan.

Ilang henerasyon na ang lumipas at pinamunuan ng aking mga ninuno at sa lahat ng mga kwento nila ay pare-pareho lamang ang ikinamatay nila. Bakit ako naging kampante?

Kasabay ng pagbuhos ng luha ko ang pagdampi ng tubig sa balat ko, at pagkabasag ng mga kagamitang nasa kwarto ko. They also should've known better.

Ang prinsesang hinangaan ng lahat dahil sa taglay niyang kabutihan at kagandahan ay kasabay namatay ng kanyang mga magulang.








"Salamat sa inyong pakikidalamhati at pag-aalala sa akin. Gusto kong iparating sa inyong lahat na maayos ang lagay ko. Hindi ko man inaasahang magiging reyna ako sa mura kong edad ay pinapangako ko pa rin ang kaligtasan at hustisya ng nasasakupan ko."

Nangibabaw ang palakpakan ng mga tao sa harap ng palasyo habang ako ay nandito sa terrace ng gitnang palapag dahil dito ang pwestong sapat ang distansya sa mga taong nasa baba.

Great actors and actresses.

Isang mahina, masyadong mabuti at inosenteng prinsesa noon na reyna na ngayon. Napakadaling mauto at mapapaniwala. Alam na alam kong iyon ang tingin sa akin ng lahat.

Most of them were crying and some were smiling. Hinding hindi ako magpapadala sa mga ganyan. Kaya ko ring umiyak at tumawa para sa kahit na sinong Poncio Pilato man.

I plastered a smile just to let them see how happy I was for their sympathy.

"Bilang bagong reyna, mayroon akong ilang ipapatupad na sa tingin ko ay mas ikagaganda at ikabubuti ng ating bayan." Seryoso kong sambit na ikinatahimik ng lahat.

Kitang kita ko mula sa itaas ang pagbabago ng itsura nila. May mga mukhang balisa at meron ding pawang naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Magtatayo ako ng isa pang paaralan upang masiguro ko ang tamang edukasyon ng mga kabataan, at para na rin mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa paggamit ng kani-kanilang mga kapangyarihan upang maiwasan ang mga kalamidad na maaaring idulot ng kawalan nila ng kaalaman sa paggamit at pagkontrol sa kanilang mga kakayahan."

Nangibabaw ang hiyawan ng mga kabataang mukhang handang handa nang pumasok sa nasabing paaralan. Samantalang ang mga matatanda ay natahimik at lalong nabalisa. I smiled even bigger.

"Mga mahal kong magulang ng aking bayan, kayo na ang itinuturing kong mga magulang at nawa'y makuha ko ang inyong mga suporta. Ngayong araw, mula alas tres nang hapon hanggang kinabukasan ay magbabahay bahay ang aking mga kawal upang sunduin ang inyong mga anak at tipunin sa aking palasyo hangga't binubuo ko ang paaralang nabanggit ko."

Itinaas ko ang kamay ko hudyat ng pagtatapos ko sa usapang ito at pumasok na ako sa loob ng palasyo. Wala akong narinig na ni isang reklamo pero alam kong halos lahat ng matatanda ay hindi sang-ayon sa desisyon ko.

Wala silang magagawa laban sa akin kahit gamitan pa nila ako ng kanilang mga kapangyarihan. Bawat parte ng royal family ay may kani-kaniyang mga kapangyarihan na hindi bababa sa dalawa. Bawat henerasyon ay nagsasalin salin ng kapangyarihan ang mga ninuno ko nang sa gayon ay mas lumakas at tumatag ang mga bagong mamumuno sa bayan ng Mesqueta.

Meaning, my parents' own powers and the ones they both got from our ancestors are now mine, together with my own.

Ako ang pinakabatang naging reyna sa aking pamilya kung kaya't ako rin ang batang pinakamalakas sa buong bayang ito. Nagpapasa lamang ng korona ang Hari at Reyna sa tuwing may mapapangasawa na ang una nilang anak. Sa lagay na 'yon, nasa edad 25 pataas ang tamang edad ng pagiging pinuno.

I was only 19.

On the other hand, ang pagpapasa naman ng kapangyarihan ay nangyayari lamang sa kamatayan ng unang Hari at Reyna sa henerasyong iyon.

Both happened to me. I got both the crown and their powers, at alam kong alam ng matatanda iyon.



"Kahit kailan talaga ay napakabuti ng ating prinsesa—ay, reyna pala. Karapat dapat talaga syang mahalin ng lahat."

Rinig kong sambit ng isa kong tauhan sa palasyo nang hindi nila namalayang nakapasok na ako sa loob.

"Siya lang ang bukod tanging naging pinuno na magtatayo ng paaralan para pagtuunan ng atensyon ang paggamit nang tama sa kapangyarihan ng kanyang nasasakupan. Mula sa unang henerasyon ay labis na ipinagbawal ang paggamit ng kapangyarihan kung ikaw ay hindi isa sa mga tauhan sa palasyo at tagapagbigay ng proteksyon sa buong bayan."

"Tunay ngang napakamapagmahal ng kanyang puso upang alalahin ang kawalan ng sapat na kaalaman ng mga tao sa kanilang kapangyarihan. Tama nga namang mas magiging ligtas ang ating bayan dahil doon."

Right.

"Ngunit nakalulungkot lang dahil mula nang mawala ang dating hari at reyna ay tila ba naging madilim ang mundo ng ating prinse—bagong reyna." Kahit nakaakyat na ako sa sumunod na palapag ay rinig na rinig ko pa rin ang bulungan nila nang hindi nila alam.

"Kahit anong mangyari ay siya pa rin ang aking prinsesa na inalagaan ko nang labing siyam na taon. Walang nakakikilala sa kanyang iba kundi ako. Napakabait ng batang iyon at sobra man siyang nasasaktan ngayon ay alam kong hinding hindi nito mababago ang puso niyang pinakamabuti at pinakapuro sa lahat."

Huling mga salitang narinig ko mula sa taong ipinagkatiwala ako ng aking mga magulang simula nang isilang ako. Si Manay Lucy.

Lalong kumirot ang dibdib ko.

If only you knew, Manay.

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now