Chapter 2

200 5 0
                                    

Kasama ko ang dalawa sa pinakamalalakas kong kawal. Unfortunately, wala ni isa sa kanila ang nagtataglay ng kahit na anong elemental power but I could let them have one today.

Building a huge academy would take so much power, energy and strength. Mas mapapadali ako kung may katuwang akong malalakas.

One of my great ancestor's powers was that he could lend others the power he got. As for me, nasa akin na ang lahat ng elemental powers na pinagpasa-pasahan nilang lahat noong araw.

Imagine how powerful I was.

We started building my newest empire.

Earth and Air. Tig-isang elemental power na ibinahagi ko sa dalawang kawal na ito. Hindi ko na sila hinayaang gamitin ang sarili nilang kapangyarihan dahil sa paggamit pa lang ng elemental power ay labis na silang manghihina matapos nito.

Tulong tulong kami sa pagtatayo ng malapalasyong paaralang ito. Ang isa ay naglalabas ng mga buhangin at sanga ng mga puno habang ay isa ay pinagsasama sama ang mga ito sa pamamagitan ng hangin. Ako naman ang bahala sa pagpapatibay, pagpapaganda at paglilinis sa flaws na nagagawa nila dahil hindi naman nila gamay ang kapangyarihang gamit nila ngayon. Bawat parteng nagagawa nila ay hinahaluan ko ng Vibranium at Adamantium nang hindi nila alam. This empire would be indestructible.

Nasa kalagitnaan na kami nang bigyan ko sila ng oras magpahinga at kumain. Ayaw pa nila akong iwang mag-isa pero wala silang nagawa kundi ang sumunod.

"I'm doing this for you, Ma, Pa." I whispered as I stared at the sky.

"Guide me." last words I said before I continued doing the work.

Isang oras ang binigay ko sa mga kasama kong kawal ngunit kalahating oras pa lang ay nakabalik na sila.

"Mahal na Reyna, kayo po ba mag-isa ang nagtuloy ng trabaho? Patawad po, karapat-dapat po kaming maparusahan." sabay lumuhod ang dalawa habang nakayuko.

"Tumayo kayo. Maaari na kayong umuwi, pagkatapos nito ay manghihina kayo kaya magpapadala ako sa silid nyo sa palasyo ng magpapagaan ng pakiramdam niyo." sambit ko habang patuloy sa paggawa.

"Naku, hindi na po kailangan, Mahal na Reyna. Ginawa lang po namin ang aming trabaho."

"Hayaan niyo pong bantayan at protektahan ka namin habang patuloy kayo sa paggawa ng paaralan." pagpupumilit nilang hindi ko na sinagot.

Sa tatlong oras ay natapos ko na ang malapalasyong paaralang ito. Nabawi ko na rin ang kapangyarihang ibinahagi ko sa dalawang kawal na nakatayo roon sa malayo habang nakamatyag sa paligid.

Nakatayo ang akademyang ito malapit lamang sa palasyo para madali ko itong maoobserbahan kahit nasa palasyo ako. I built another sacred forest just for the success of this academy. A sacred forest that no one from the outside could ever find. A place that looked so normal that no member could notice that they were taking different paths. At syempre, upang hindi mapansin ng mga taong nakatago ang kagubatang ito ay gumawa na ako ng isang paaralan malayo sa kinalulugaran ng kagubatang ito. An illusion.

We headed back to the palace only to see hundreds of people at the hallway. Mga kabataang nasa edad labing lima hanggang dalawampu't apat.

"Lahat ba ay sumama?" tanong ko sa naatasan kong kawal na namuno sa pagbabahay bahay.

"Opo, Kamahalan. Kagaya ng inutos niyo, nakarating  sa lahat ng pamilya sa limang baryong aming napuntahan ang nais niyong ipabatid. Kinabukasan ay itutuloy namin ang pagbabahay bahay sa sampu pang baryong natitira."

"Mabuti. Salamat. Lahat ng kumilos ngayong araw ay maaari nang magpahinga. Ang mga natirang kawal sa palasyo na ang bahala sa mga kabataang nandirito ngayon."

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now