Chapter 4

135 4 0
                                    

The ceremony last night ended well, and now is the time for the Luctus Academy to welcome these students approaching different cars parked outside the palace.

Mahahalata sa klase ng kotse kung ano ang estado sa buhay ng mga kabataang ito. Maraming nakaparadang luxury cars at meron din namang mga simpleng sasakyan. I ordered everyone to share cars just so it would be a lot easier for all of us to arrive without any problem. Thousands of students with individual car would be too much, wouldn't they?

Nagsimula nang umandar ang mga kotse habang ako ay nandito pa rin sa terrace ng 4th floor ng palasyo at nakamasid sa kanila. Abala ang lahat kaya walang nakakapansin sa akin. Hindi ko kailangang ngumiti nang peke.

Seryoso lang akong nanonood sa pag-alis nila nang magawi ang tingin ko sa isang lalaking nakatitig sa akin mula sa ibaba. Hindi ako nag-iwas ng tingin dahil hinihintay ko ang susunod niyang gagawin. He smirked before going inside his lamborghini. Mukhang ang una at napakasimpleng utos ko ay nilabag niya agad dahil mag-isa lang siya sa sasakyan niya at mabilis na nag-overtake sa mga nasa unahan niya.

Prim Colton Mozart, how dare you?



Sa tingin ko ay ilang minuto na lang ay mararating na ng mga estudyante ang paaralan. Dalawang oras na rin ang lumipas mula nang nagsimula silang bumyahe. Bago pa man ganapin ang seremonya kahapon ay inasikaso ko nang maglagay ng mga sign sa lahat ng kalsadang madadaanan nila. Hindi nila mapapansin ang lagusang papasukan nila once makalabas na sila sa palasyo. They were all under the illusion of paths I made para isipin nilang walang kakaiba o nagbago sa direksyon.

I headed to my Mercedes Benz parked in front of the palace's entrance door. Hindi ko kailangan ng guard ngayon dahil mas mapapadali akong makapunta roon nang mag-isa, at hindi na kakailanganing pumasok sa sarili kong ilusyon para lang hindi magtaka ang mga kawal. I no longer believe in loyalty as well as in trust. Walang dapat makaalam bukod sa akin na malapit lang ang paaralan sa palasyo.

Kagaya ng inaasahan ko ay nasa L.A. Dome na ang lahat nang makarating ako. Isa isa ring nagdatingan ang mga sasakyan ng mga kinuha kong mga mago mula sa kabilang mundo. Ilan sa kanila ay ang mga sinaunang mago na piniling magtrabaho sa kabilang mundo nang may pahintulot ng hari at reynang nakaupo noong panahon nila.

Mages are immortals. Ordinary mages can live forever young and strong while the royal mages can't.

Being a royal blood has its perks, but it also has its worst consequences. Siguro, dahil na rin walang kalaban ang may pakialam sa taong bayan ng kaaway nila, kasabay pa ng proteksyong binibigay ng palasyo ay nananatiling ligtas ang mga ordinaryong mago. Samantalang ang royal family? Hindi pa kami pinapanganak ay may threat nang nakapatong sa mga ulo namin.

When I was a kid, I used to ask Mom where my grandparents were since I learned that we were supposed to live forever. I remembered the book I read informing me that mages were immortal. Mom used to lie to me, palagi niyang sinasabing nasa ibang bansa ang lolo at lola ko, at hindi na babalik sa palasyo dahil masaya na sila sa bago nilang tahanan. Little did I know na wala na pala sila at hinding hindi na talaga makakabalik dahil pinapatay ng mga namumuno sa iba't ibang bayan. They killed my grandparents out of envy and greed. Mesqueta was the largest town and the most successful one that time, and even until now. No wonder maraming may gustong sakupin ito.

As I grew up, doon ko unti-unting nalaman na maging ang mga magulang ng lolo at lola ko ay pinapatay. They were the first ever king and queen of Mesqueta. Doon ako namulat na pagdating sa labanan, kahit gaano kalakas at karami ang kapangyarihan ng isang mago, kung dugong bughaw siya ay wala siyang magagawa kundi humarap sa sarili niyang kamatayan.

May isang bagay na kinakatakutan ng lahat ng mga mago dahil ito lang ang tanging makakapatay sa kanila ngunit mas nagagamit ito sa mga dugong bughaw. Bakit? For the sake of power. Lahat ay gustong alisin sa mundo ang royal family ng Mesqueta. At nagtagumpay sila sa pagpatay sa pamilya ko. Ngayon ay alam kong lalo silang nangangating ipapatay ako dahil sa mga mata nila ay isa lamang akong prinsesang walang alam sa mundo. Madaling paniwalain at patayin.

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now