Chapter 16

75 4 0
                                    

I walked out of my walk-in closet after my maids did my look for tonight. Hindi pwedeng wala ako sa pagtitipon ngayong gabi dahil lang hindi ako okay. That's not how it works.

Almost all my gowns were made to expose my shoulders but this time, I settled for something that would hide them. People can't see my mors tat.

"Akala ko umalis ka na." I noticed him staring at me. Kanina pa pala, nakaupo kasi siya sa isang tabi kaya hindi ko nakita. He told me to close all my senses now and just be normal. He asked me to leave everything to him and the boys tonight but no, that was far from possible. Hindi ako pwedeng maging ganoon kairesponsable. Pinapahinga ko lang ang katawan ko ngayon pero kung sakali mang may masamang mangyari ay gagalaw ako.

"Wanna be the first one to see your look before everybody." kanina pa siya nakangiti. I didn't know what to say kaya ngumiti na lang din ako.

"Your father can't see anything between you and me. Let's just act like you're my student, and I'm—"

"You're mine." he cut me off then winked but I just frowned at him which made him laugh. "Kidding. Well understood, Your Majesty." pabiro siyang yumuko at humalik sa kamay ko. Napapailing na lang ako.

Nauna siyang umalis sa akin at ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako sumunod sa dome kung saan din ginanap ang unang seremonya ng mga estudyante sa L.A.

Pagbaba ko sa sasakyan ay agad bumungad sa akin ang mga taong bayan na masayang mga nag-uusap habang ang iba ay mga naglalaro. Mga normal na kasuotan lang ang mga suot nila dahil hindi naman ito isang engrandeng ball party. Naging tradisyon na lang talagang magtipon tipon ang lahat ng taga-Mesqueta tuwing fiesta dahil ito ang pagkakataon nilang makasalo sa pagkain at pagsasaya ang royal family. Siguro ay dismayado silang ako lang ang nandito... at si Ali na ipapakilala ko na sa lahat.

Napatingin ako sa tabi ko dahil biglang sumulpot si Ali na ngayon ay mukhang masaya na ulit. He wiggled his eyebrows as he grinned at me.

"What was that?" I asked in confusion.

"Sus! My buddy was so obvious, I didn't even have to ask him to know. How was the ki—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya.

"Jesus Christ. She's blushing, I don't believe this." nakatingin lang siya sa itaas habang tumatawa at umiiling. Whatever, Ali.

Pagpasok pa lang sa grand entrance ay nakaagaw na agad kami ng atensyon ng lahat. "I know you're resting your powers now so let me do the work. They are all mesmerized by my beauty." he proudly said.

"If you say so." dahil kahit hindi ko na sila basahin ay halatang halata namang magkahalong paghanga at pagtataka ang namamayani sa loob ng dome.

All their eyes were asking Sino ang kasama ng reyna? Siya ba ang panibagong hari? Dahil parte na ng tradisyong ito ang royal family's walk. Mag-uumpisa ang mismong event kapag dumating na ang royal family. Lahat ay sama sama, nakapilang lumalakad sa red carpet. Ali wasn't always around. He was too busy with his own life on the human world and he really didn't care about his royalty so he disowned it.

"This is what I hate. Attention. God, I know I'm irresistibly handsome. They don't have to act like that."

"Oh, please." I said between my fake smile. Tinakot niya pa talaga akong sisigaw siya sa gitna ng paglalakad namin para raw malaman ng lahat kung gaano kasama ang ugali ko pagdating sa kanya. Sigh.

Nakarating kami sa upuang para sa aming dalawa. Everyone was silent. Waiting for the start. Mamadaliin ko lang ang seremonya dahil hindi ako masokista at kanina pa rin ako pinipilit ni Ali na huwag na lang ipakilala ngayon dahil ayaw niyang magsalita. He really hated attention.

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now