Chapter 9

82 4 0
                                    

I was right when I said I'd be outworn after that encounter in District IX. The kid survived. Nabuhay siya noong oras na namatay ang rebeldeng napag-utusan ni Rene Mozart. Walang nakaalam sa ginawa ko sa lalaking iyon. Ang alam lang nila ay ako at si Ali ang nagligtas sa mga buhay nila. Inako ni Ali ang pagpatay sa rebeldeng iyon dahil iniisip niya ang kapakanan ko at hindi niya gustong mabahiran ang kamay ko ng dugo ng iba, kahit para na lang sa mga mata ng mga tao. Pero nagawa ko na.

To be a ruler, one must know how to kill.

Nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. A small blank circle was now very visible under my collar bone. A mark. The mors tattoo. It symbolized the number of people I killed. At mayroon nang isa. Hindi ko akalaing darating ang araw na magkakamarka akong ganito.

Isang linggo akong nagpahinga. Iyon ang unang araw na labis labis na kapangyarihan ang nagamit ko mula noong ipinasa sa akin ang mga iyon dalawang buwan pa lang ang nakalilipas. Tanging ilusyon lang ang madali kong nagamay agad dahil konektado ito sa pag-iisip. And above everything, it's my mind that I've been taking care of ever since I was a kid.

Kinailangan kong pag-aralang mabuti kung paano maging kalmado at mahaba ang pasensya dahil kung hindi ay mababaliw talaga ako sa dami ng boses na naririnig ko, sa dami ng galaw na nararamdaman ko, sa lahat. Once my senses go uncontrolled, I would be very destructive. I'd be Mesqueta's doom.

Malaki talaga ang pasasalamat ko sa aking ama. Siya ang pinakadahilan kung bakit hanggang ngayon ay kinakaya ko. If he didn't train me, people would've plotted against me. They would've tried to kill me at a very young age because of the threat that I could become.

Kasalukuyan kong kaharap ang pinakamataas na opisyal at umaaktong wala akong nalaman tungkol sa kanya. Kayang kaya ko siyang patayin ngayon mismo sa harapan ng trono ko.

"What brought you here, Mr. Mozart?" I smiled.

"The councils were worried about your majesty. Nagpunta ako upang kumustahin ka, Reyna Alena." paliwanag niya matapos niyang yumuko at magbigay galang.

"As long as my people are fine, I'm fine as well, Mr. Mozart." tumango tango siya na para bang sang-ayon siya sa mga sinabi ko.

"About the culprit." he started and I did all the best that I could do to remain calm.

"I heard he was a rebel. Isa siyang lapastangan upang subukang bahiran ng kasamaan ang Mesqueta. Karapat-dapat lang siyang mamatay." he added.

"He was a shapeshifter. I didn't know he was the culprit because he was an imposter of a dying child." sambit ko, nakikinig lamang siya. Sinasabi ng katawan niya kung gaano siya kasatisfied dahil sinasabi ko ang bagay na ito.

"I love children. I caught the culprit but I was too weak that I couldn't even touch him. Nangibabaw sa akin ang awa, I was deceived easily. So Mr. Ali did the work. Anong klaseng reyna ba ako? Bakit ang hina ko?" I faked my sadness. Nakayuko man ako pero ramdam ko ang pagngiti niya. He was convinced, he was satisfied.

"But what affected me was that he told me not to trust my people easily. Maybe, he only said that to hurt me. Mahal ako ng mga taga-Mesqueta. Hindi nila magagawang saktan ako. Hindi niyo magagawa iyon, 'di ba?" I looked up at him and smiled. He smiled back and nodded.

"Tama ka, Reyna Alena. And please don't ever think you are weak. Alam naming lahat na hindi totoo iyon."

Umalis na si Rene at hindi pa rin ako nagrereact sa pagkakakita ko sa kanya dahil sa mga kawal na nakabantay. Hindi pwedeng makita nilang galit ako sa pinakamataas na opisyal.

You can play this stupid game all you want, Rene. I promise to give you a joy ride.

Nagtungo ako sa academy. Nakarating sa mga estudyante ang nangyari dahil sa pagkawala ni Ali noong sinamahan niya ako, at ipinaalam din ng mga instructor sa kanila.

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now