Chapter 3

136 5 0
                                    

Kasalukuyan akong inaayusan ng mga katulong ko. Ang isa ay nakatoka sa buhok ko, ang isa ay sa aking mukha, ang iba ay sa aking balat, at meron ding mga nakatoka sa paghahanda ng mga isusuot ko.

Today was supposed to be a special day but I was still in the midst of mourning secretly. My birthday. Hindi ko na nagawa pang magcelebrate buong araw dahil ngayon ang nakatakdang seremonya para sa mga estudyante ng paaralang tatawagin kong Luctus Academūs.

Luctus meant mourning, and I built that empire out of my deepest sorrow and mourning. All for my parents.

Isang linggo na rin mula noong dumating dito ang mga estudyante ng bagong academy. Wala akong naging problema dahil naging malaking advantage para sa akin ang labis na paghanga sa akin ng lahat. Para bang gagawin at susundin nila lahat ng sasabihin ko nang walang pag-aalinlangan at pagdududa. Well, except for Rene Mozart's son. Siya lang ang bukod tanging walang pakialam sa presence ko at sa lahat. Napansin ko rin ang takot ng karamihan sa kanya dahil sa tuwing darating siya ay tumatahimik ang lahat at walang makatingin sa kanya nang diretso na napansin kong ikinatutuwa niya dahil lagi niyang dala ang malademonyong ngiti niya na para bang satisfied siya sa reaction ng mga estudyanteng kasama niya.

Bakit siya nandito, Rene Mozart? Ano ang pakay mo? Dahil halata namang hindi niya gustong nandito siya. I have the ability to detect people's emotion even if it's hidden. Kahit pa gaano kagaling magpanggap ang taong iyon ay wala itong kawala sa kakayahan kong mabasa ang tunay na sinasabi ng katawan niya kung gugustuhin ko. Ayaw niyang nandito siya. That Mozart kid was forced to join my academy just as I expected.

Dahil sa libong estudyante ay hindi na kayang pagsilbihan ang lahat dahil wala pa sa sangdaan ang bilang ng mga katulong ko dahil mula noong namatay ang aking mga magulang ay nagbawas ako ng mga katulong. This kingdom has thousands of guards, those are my priority more than maids.

"Nakahanda na po ang lahat, Kamahalan." hudyat ng isang katulong saka kami nagtungo sa isang engrandeng dome na naging venue ng pagtitipong ito.

"All hail the Queen!" rinig kong sigaw ng kawal bago tuluyang buksan ang engrandeng pinto na nasa harapan ko. Ang mga kawal ay tila mga estatwang nakataas ang mga espada na nagsisilbing arko ng dadaanan ko. Ang mga tao ay nakayuko maging ang mga opisyal na nasa bandang unahan at nakabukod sa napakaraming taong nandito. Napangiti ako hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa pagngiti sa akin ni Rene Mozart at ng mga kakampi niyang mga opisyal din. Great actors.

Lahat ay magagarbo ang kasuotan. Kung tutuusin nga ay mas mukha pa itong engrandeng ball at hindi isang pagtitipon para sa bubuksan kong paaralan.

Nagsimula ang seremonya at paggagawad sa mga estudyante ng kani-kanilang seal. The purpose of this seal was to identify the students according to their group. Ito rin ang magsisilbing koneksyon ko sa kanila upang masunod nila ang mga batas sa paaralan.

The royal family's mages were assigned in attaching the seal onto the students' wrist. Ang kapangyarihang ginamit nila rito ay may basbas ko kaya walang sino man ang magagawang alisin ang markang iyon sa kanilang balat.

They are all under my control. They're mine now.

"I, Queen Alena Clementine Van Arsdale, promise to keep everyone under my protection." natapos ang mahaba kong speech na nagpatotoo sa seremonyang ito, lalong lalo na sa mga markang nakuha ng mga estudyante.

Isang ilusyon sa hangin ang ipinakita ko sa mga taong nandito sa dome. Ang ilusyong naglalabas ng bawat detalye ng Luctus Academus. Ang mga dormitories, mga classrooms, different halls, at marami pang iba. Maging ang "lokasyon" nito ay ipinakita. Malayong malayo sa palasyo.

Lahat ay puno ng pagkamangha bukod sa pinunong opisyal at mga alipores nito. Tahimik lang silang nanonood at mukhang malalim ang iniisip lalo na ni Mozart. I smirked.

Whatever game you're on, sinisigurado kong hindi ka magtatagumpay, Mozart. My parents were blind enough to not see how evil you were pero sila iyon at hindi ako. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na nagmulat sa akin sa totoong kulay mo.

"I let my son join 'cause I know you'll take care of him, Queen Alena. Make him a good soldier."

Kung ibang tao ang makakakita ay iisipin nilang sincere ang mga ngiting pinapakita ng matandang ito pero sa mga mata at kapangyarihan ko, alam kong may laman ang bawat salitang binibitawan niya.

I guess, he has hints about my plan. Nothing surprising, that was so expected from Rene fucking Mozart.

"She must be really powerful to have built the academy for only a couple of hours. Amazing!" malayo man ay rinig na rinig ko ang kwentuhan ng mga estudyanteng nagkakatuwaan na ngayon sa kani-kanilang table.

Tahimik lang akong nagmamasid sa mga nandito sa dome nang mapansin ko ang paglabas ng anak ni Rene. Wala talaga akong pakialam kung saan man siya magpunta pero nakita kong kasunod niyang lumabas ang kanyang ama matapos ang ilang minuto.

Through my power ay nagawa kong makapunta agad sa pintong nilabasan nila. Bago pumasok ay pinakiramdaman ko muna kung nasaan sila. Hindi man malinaw ay rinig kong nasa malayo ang mga boses nila.

I walked through the large hallway, and when the voices went clear enough for my senses, doon na ako tumigil. Hindi sila kalayuan pero hindi rin sila malapit sa pwesto ko.

"She's just as naive and innocent as a kid. My favor is very easy to do, son."

"I know she built that academy to train you and those foolish kids to be her soldiers. She's nothing but a user."

"She must be very scared now that she has nobody. No matter how powerful she is, it's still very easy to deceive that stupid child."

Sunod sunod ang mga salitang binitawan ng matandang Mozart habang walang tugon ang anak niya.

Kumuyom ang mga kamao ko at namatay ang mga chandelier at lamps na nandito sa hallway na kinatatayuan ko. I've never been this angry all my life. I've never felt such hatred. Not even once.

But at the back of my mind, I was satisfied. Imbis na umiyak sa galit ay tanging ngiti na lang ang kumawala sa labi ko. Ngiti dahil alam ko nang hindi nagbago ang tingin sa akin ng mga opisyal. Sa mga mata nila ay isa pa rin akong mangmang at walang alam na prinsesa.

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pakikinig sa pag-uusap nila dahil mukhang wala silang balak banggitin ang kanilang plano. Malamang, alam na nila iyon at mananatiling sila lang ang nakakaalam. Kung ano man iyon ay pinapangako kong hinding hindi sila magtatagumpay at sila ang mahuhulog sa mga kamay ko.

I was talking to one of my maids when I saw from my peripheral view how Rene Mozart headed back to the officials' table. He was alone and not followed by his son. What was his name again?

"I never really thought that Colt Mozart would be one of us. Like, we all know that he doesn't really live here." a group of girls caught my attention. They were few meters away from me.

Sa totoo lang ay kung wala akong alam sa pagkontrol ng senses ko ay baka matagal na akong nabaliw dahil sa dami ng boses na naririnig ko. Pero hindi, dahil habang tumatanda ako ay tinetrain na ako ng hari. As time went by, we found out that I had the ability to shut down my senses. Mula noon, mas nagfocus ako sa paggamit nito nang tama at perpekto dahil noon pa man ay hirap na akong kontrolin nang sabay sabay ang mga kapangyarihang taglay ko. Lalo pa ngayon.

Sa pagkakataong ito, I didn't shut down any of my senses dahil alam kong may mag-uusap at mag-uusap sa pagtitipong ito at iyon ang kailangan kong marinig. Even if it would almost feel like crashing my skull once uncontrolled. Sa ngayon ay kontrolado ko pa ang lahat kaya malinaw sa akin ang usapan ng mga babaeng ilang tables ang layo sa akin.

"I know right. His parents were separated and Mom told me Colt's mom lives in another town. I just don't know where exactly."

"And he lives with his Mom. As far as I know, he just came here for a visit days before the queen ordered her guards to fetch every single one of us."

"Yeah. So surprising. He really doesn't need this, you know. Like, he's so powerful and strong. He can manage alone. Like, with that type of power? I bet, he just needs one finger to destroy half—no, this whole freaking dome."

"Well, he must thank the queen for building such academy. We all must thank her. She's gonna make us knowledgeably strong."


"And Colt stronger. He's so lucky."

Live, Alena (Luctus Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon