Chapter 17

53 4 0
                                    


Third Person

***

Napuno ng takot at pangamba ang mga taong kanina lang ay nagsasaya nang kumulog at kumidlat nang malalakas habang galit na galit na nagwawala si Ali at sinusubukang pigilan ang projection na nasa ere.

"Whoever made this nonsense, stop this stupid crap now!"

Lumingon siya sa kapatid niyang napako ang tingin sa projection. She was impassive. Hindi niya ito mabasa o maramdaman man lang.

"Fuck!" mabilis siyang nagtungo sa direksyon nito ngunit bago pa siya makalapit ay tila nakuryente na siya. Para bang may invisible barrier na nakapalibot sa reyna. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. No, 'wag. Makaawa niya sa isip niya.

"No, Alena. You can't do this! No!" galit na sigaw niya sa reyna ngunit parang wala itong naririnig.

"Stephen!" sigaw niya sa lalaking halos hindi na makita sa bilis ng paggalaw, naghahanap ng maaaring pinagmumulan ng ilusyong nasa ere. Tumigil siya sa pagtakbo nang makuha ni Ali ang atensyon niya, na agad lumipat sa reyna.

"Fuck. Get her eyes off that fucking illusion, Ali!" galit na sigaw niya sa gitna ng mga taong puno ng takot at pangamba, kasabay ng paglabas ng malalaking apoy mula sa mga kamay niya patungo sa projection. Ngunit walang nangyari. The fire blended so well with the illusion.

Samantala, nasa isang tabi ang isang lalaking tila ba tuwang tuwa sa pinapanood niyang pagtatanghal. Galit na lumapit sa kaniya si Colton at kinuwelyuhan siya. "What did you do?!"

Hindi na nagulat ang pinakamataas na konsehal nang makita niyang galit na galit ang anak niya. His child never obeyed him, so why wonder? A devilish smirk plastered on the highest councilor's face, and the thunder went wilder which caused more horror to the crowd. Umuulan na rin.

"Seems like my son has been deceived by the stupid queen. Look how weak she is. I never thought you would go to such extent, Colton. Your father is so disappointed." he mocked that emitted the fume in Colton's heart even more.

"Listen to me, old wretch. If anything happens to her, I swear to Heaven and Hell, I will make you pay." galit na giit niya at mabilis niyang sinaksak ng invisible blade sa likod ang kanyang ama.

Natapos ang ilusyon. Tumahimik ang lahat. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa reynang kanina pa tahimik at tulala. Ngayon ay nasa iisang tao na nakapako ang kanyang mga mata. Bakas ang pagtataka, paghihinala at labis na takot sa mga tao.

Hirap na hirap mang makagalaw ay nagawa pa ring mag-anyong nag-aalala ni Rene Mozart nang mapansin niyang nabaling na sa kanya ang atensyon ng reyna. Ngunit tila lalo siyang nanigas sa kinatatayuan niya nang unti-unting nagliyab ang mga kamay nito, at nababalutan na ng yelo ang sahig papunta sa direksyon niya.

Sa kabilang dako, pilit sumisigaw sa Ali habang sinusuntok ang barrier na nakapaligid sa reyna. Hindi niya ininda ang mga kuryenteng nararamdaman niya basta tuloy lang siya sa pagsira sa barrier. Hindi biro ang lakas ni Ali. Wala man siyang mahikang mapalabas sa mga kamay niya ay hindi pa rin maipagkakaila ang natatanging lakas nito.

Nagtulong tulong ang dalawang lalaki sa pagsira ng barrier habang pinagsabay sabay ni Colton ang lahat ng tauhan ng kanyang ama na nasa paligid at handang handa nang umatake. Halos nag-aalinlangan naman si Mr. Stark dahil natatakot siyang masira ang harang at magdiretso sa reyna ang kanilang mga atake pero malaki ang tiwala ni Ali sa kapatid. Kusang magrereact ang katawan nito lalo pa ngayong nilalabas niya ang buong kapangyarihan niya. Hindi maaari ito.

"We need to stop her! Stark, it can't happen again." sigaw ni Ali habang gigil at buong lakas niyang sinusuntok ang barrier. Dumudugo na ang mga kamao niya.

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now