Chapter 7

84 4 0
                                    

Halos dalawang linggo na ang lumipas mula noong maglaban si Mozart at Ms. Potts. Halos dalawang linggo rin akong nawala sa academy dahil naging abala ako kasama ang mga council ng Mesqueta sa pagpupulong upang mapuksa ang kumakalat na epidemya sa isang baryong malapit sa Downtown. Hindi pwedeng patuloy iyon na kumalat dahil maaapektuhan nito ang lahat ng mga taong nagnenegosyo roon, maging ang mga produkto nila.

I sent a group of healers to District IX under my protection. May ilan sa kanilang hindi tinatablan ng kahit anong epidemya habang meron din namang kayang dapuan. Just to make sure that they wouldn't be transmitted by the epidemic, I asked Ms. Potts to cast protective spell on them including my soldiers. Hindi pwedeng mahawa sila at magkalat sa pagbalik nila rito.

My mind was pre-occupied while I sat on the throne when two guards entered the hall and marched towards my direction. "Nais pong iparating sa inyo ng babaylang si Clara na lumulubha na raw po ang sakit ng mga tao sa baryo ika-siyam, at mas labis na naaapektuhan ang mga kabataan."

I nodded and let them leave. I grasped my chair. This occurence of disease was very sudden. Ngayon lang nangyari ang bagay na ito. Hindi pwedeng basta basta makakuha ng epidemya ang mga nasasakupan ko dahil sinisigurado ko, maging ng mga yumaong namumuno sa Mesqueta, na walang anumang bagay sa kapaligiran ang maaaring magdulot ng sakit o kapahamakan. Alam ng lahat iyon.

Aside from that, everyone is required to do medical examinations for all of them to be aware of what's happening to their body and mind. Every month.

Imposible talagang mangyari ito. It's either may outsider na nakapasok or may nagmamanipula ng lahat. Pero imposibleng may tagalabas na makatuntong sa Mesqueta nang hindi nalalaman ng mga kawal. Halos lahat ng parte ng bayang ito ay may basbas at dugo ng lahat ng mga yumaong hari at reyna. If someone tries to crash my town, I will know.

Halos mawasak ang higanteng pintong tinititigan ko sa galit. Kung sino man ang lapastangang nasa likod ng lahat ng ito, siguraduhin niyang hindi ko siya makikilala. Bakit kailangang ang mga bata pa ang puntiryahin niya?

Dahil sa mga problema ay halos mapraning na ako. I can't let my anxiety overpower me. Pull yourself together, Alena. You are the Queen.

Napagpasyahan kong pumasyal sa paaralan para mag-obserba sa paligid. Hindi pwedeng kalimutan ko ang trabaho ko rito. Biyernes na at araw ng magic session ng mga estudyante.

Nagtungo ako sa tatlong Training Halls na malalayo sa isa't isa. Nandoon si Ms. Potts na may hawak na mga halaman habang nagpapaliwanag sa gitna. Si Mr. Stark naman na naglalabas ng mga nagliliyab na iba't ibang uri ng patalim. He got that ability from my grandfather who was the real owner of one of my abilities, the Demon's Fire. Malaki ang tiwala sa kanya ng Lolo at Lola ko noong panahon nila dahil isa siya sa mga namuno sa lahat ng gyerang naipanalo nila hanggang sa pamumuno ng mga magulang ko. He deserved that powerful ability. Although mine's more powerful dahil sa akin mismo inilipat ang kapangyarihang iyon, hindi pa rin maitatangging napakalakas ni Mr. Stark. Ang totoong ability niya ay super speed.

And there was this sitting pretty Mozart who was busy playing with his blades while the other students were dealing with themselves.

I cleared my throat. Everyone looked at me. I smiled and signaled them to continue what they were doing. Mozart stood up and faced me. There goes his grin again as he bows.

"How are they, Mr. Mozart?" I asked patiently.

"I taught them how to concentrate and let out their powers last week. They all did well, your Majesty." I nodded.

"How about today?" I said and pointed at the students.

"Ah, that. Assignment, your Majesty. Gave them an hour to work on it. We are not allowed to use our abilities if it isn't Friday, right?"

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now