Chapter 31

60 3 0
                                    

One week ang itinagal ko sa ospital bago ko napilit si Prim na ilabas na ako. I feel better now. Hindi man magaling nang tuluyan pero maayos na kumpara noong una. Akala ko talaga ay mapipilay na ako dahil iyon ang sinabi ng Doctor. My ligaments were severely affected according to them and the X-ray result. Noong sinabi ni Ali na hindi na kami immortal, nawalan na rin akong pag-asa na gagaling pa ako pero eto ako ngayon. Nakakatayo na. Nakakatayo pa lang. It was a big big relief knowing that I could still recover not as fast as before but still, faster than the normal recovery pace of humans.

But I had to act lame para hindi magtaka ang mga doktor. Mukhang magiging taong bahay na naman ako nang matagal. Meaning, I had to leave work for now.

"Mommy, do you feel better now?" Silver said. We were relaxing on the backseat of this indulging Mercedes-Maybach S560 of my fiance. Wide kasi ang backseat nito kaya kahit masyadong agaw pansin, ito na ang dinala niya kasi makakahiga ako.

"Yes, handsome. Don't worry about me no more, okay?" I gave him a reassuring smile and he nodded. Bawal kasi siyang magtagal sa hospital kasi baka mahawa pa ng sakit kaya hindi kami nakakapagkulitan nang matagal. Kailangang mag-ingat lalo pa ngayong tatablan na pala kami ng ganoon. I sighed. I never saw this coming.

"Aren't you hungry, wife? You, Silver? Just tell and we'll buy your cravings." I felt my face redden as I heard my man call me wife. Bihira niya ako tawagin nang ganoon kaya palaging parang may kung ano sa tiyan at puso ko tuwing naririnig niya iyon.

He was right when he said na ang mga salita, kapag palaging ginagamit, nawawalan ng halaga at epekto. Kaya nga bilang lang ang mga oras na magsabi siya ng mga salitang talagang nakakatunaw sa puso ko, saka bihira ring tawagin niya ako ng mga sweet endearments niya bukod sa baby kasi sanay na siya roon. Baby na baby ako sa kanya e.

"Where we at?" I asked in confusion when we entered an unfamiliar wide gate. I saw a mansion a little far from the road. Mas malaki ito kaysa sa mansion na tinitirahan namin. Mas malaki rin ang space kaya mas malayo sa gate ang mismong bahay. Mas maganda, may fountain, may grass. Mukhang may malaking space pa sa likod ng mansion. Wow. Just wow. Wala rin akong napansing mga bahay sa labas kanina. Ito lang talaga.

"Home." sagot ni Prim at doon ko napansin iyong mga sasakyan niyang nasa malaking garahe pero wala ang helo niya roon. As far as I know, the boys had their own apron where their aircrafts were parked. They were that rich.

"How about Ali and Kuya Steph?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob. Buhat ako ni Prim.

"Don't mind them. They're old and rich enough to buy a house and live on their own." he simply said, I frowned. "What?" he asked when he noticed.

"But I'll be stuck in here for so-"

"Then you're stuck with me, Alena. Why are you looking for them instead of looking at me?" he said in annoyance, his forehead creased. I giggled and gave him a peck.

"I'm sorry, love. Hindi na po." I said as I carressed his cheek. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. I knew he couldn't resist me.

"So, where do they live now?" I said. We were having dinner and Prim mentioned the reason why we moved out. Marami na raw kasing nakakaalam ng address namin at dahil sa nangyari, kailangang mag-ingat. Lalo na si Silver.

"Same district. Five minutes away from here." he replied. Wala naman akong napansing ibang bahay pero hindi ko naman alam ang pasikot sikot dito.

A week had passed and I was fully recovered. I could run a marathon now. Mag-isa lang ako sa bahay habang naghihintay kay Prim. Hindi talaga siya pumapasok sa work simula nang lumipat kami pero biglang nagkaproblema raw kaya napilitan siyang dumaan sa headquarters. Hiniram ni Ali si Silver kaya wala akong kasama. He brought the kid to HK Disneyland. Silver had always wanted to go there and see Mickey Mouse, kaya pumayag agad ako kahit ayaw ni Prim.

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now