Chapter 18

62 4 0
                                    


Nabalot ng katahimikan ang dome nang mabilis pa sa kisapmatang hinawakan ni Alena ang noo ng halimaw na si Mozart. The dome once again was filled with confusion, curiosity. What did the Queen do?

Natulala ang halimaw sa kawalan, he was very impassive on the outside, but what he was seeing right now on the inside was also seen by the Queen. His fears, his secrets, his crimes. She was manipulating his mind.

Pinanood sila ng lahat. Maging si Alena ay nanatili sa kinatatayuan niya at pilit inaabsorb ang mga nakikita niya.

Samantala, natigil sa pag-atake si Colton nang tingnan siya ni Alena. Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya, hindi dahil sa takot kundi dahil mismo sa kapangyarihan ng reyna. Her eyes... They were pleading him not to come closer.

Dahil hindi gusto ni Alena ang nakikita niya. Nasasaktan siya, nagagalit.

"What did you do? You're a monster!" bakas ang takot sa halimaw na boses ni Rene nang mawala ang nakapaligid na pulang kapangyarihan sa kanya.

"Am I?" sa tono ng boses ni Alena, lalong natakot ang lahat. It was too low that it almost sounded like a whisper.

Tumitig siya sa gawi ni Colton na hindi pa rin makagalaw. Her eyes were sad. Lalong nagalit ang binata sa ama at ramdam iyon ni Alena.

"Look at your son. He hates you. What more if he finds out the truth?"  pinasok ni Alena ang isip ni Rene na nagbalik sa normal na anyo. Hindi niya kayang iparinig sa lalaking gusto niya ang mga nalaman niya.

Napaluhod si Rene sa sahig habang nanginginig na nakayuko. "I didn't know that a monster like you knows how to love." she mocked. Wala nang lugar sa puso niya ang awa. Lalo niyang kinamuhian ang lalaking kaharap niya ngayon.

Bumaling ang tingin ng matanda sa kanyang anak. Lalo siyang nasaktan nang makita nito ang galit sa mga mata ni Colton, tila ba nagbabanta.

He was ready to kill his father. Hindi niya alam kung anong uunahin niyang maramdaman. Hindi niya kayang makitang tuluyan nang masira si Alena at mamatay ang kanyang ama sa mga kamay ng babaeng gusto niya. Pero kahit saan tumingin ay ngayon na ang kamatayan ni Rene Mozart. Ayaw na niyang madagdagan pa ang marka sa balat ni Alena na nagbibigay sa kanya ng mga bangungot. Pero alam nilang lahat na hindi magiging madali ang kamatayan ni Rene sa mga kamay ng reyna. That was why he would kill his father... because that was the least that he could do to lessen Rene's struggles. That was his mercy. May natitira pa ring katiting na awa si Colton para sa kanya kahit na siya pa ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Hindi niyon maaalis ang katotohanang mahal siya ng anak niya. He loves both Rene and Alena, kaya siya na ang tatapos. Gagawin niya ito para sa dalawa.

"You know you were the reason why I almost lost the Chaos Magic, right?" basag ni Alena sa katahimikan. Balak na niyang tapusin ang lahat. Pagod na pagod na siya.

"I don't know what you're saying—"

"Silence!" galit na putol ng reyna at mabilis niyang napalipad papunta sa matanda ang isang patalim na hawak ni Colton kanina. Nakatutok ito sa leeg niya at konting galaw lang ay masasaksak na ito.

"I was too young that time. You knew I was still learning to control my senses and the chaos magic that's why you hired a shapeshifter from the Black order to pretend to be my dying Mother! Because I couldn't recognize one yet." galit na sigaw ni Alena. Tahimik ang lahat. Hindi na masukat kung gaano pabigat nang pabigat ang emosyong namamayani sa dome.

"You knew I could create life out of the chaos magic. You knew that was my biggest weakness and fear. You knew that the King forbade me to do it! But because my mother died, you forced me to bring back her life. So, I did. After that, it was me who almost died. You took advantage of all my weaknesses."

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now