Chapter 30

47 3 0
                                    

Laman ng balita hanggang ngayon ang pagpopropose sa akin ni Prim last week. Hindi pa nga rin ako makapaniwala, tapos tuwing magbubukas akong phone at TV, puro kami ang laman ng balita. Pinapaalala sa akin na totoo lahat.

Kinabukasan nung gabing iyon ako nagsimulang magtrabaho sa mga napili kong brands kaya hati ang sched ko. Ngayon, nandito ako sa company ni Maddie, kakatapos lang ng photoshoot. Ang alam ko ay nagpabuffet sila ni Yannie para raw sa akin kaya maaga ang packing.

"There you are! Congratulations again, Alena. Sorry I couldn't make it that night. I went out of the country." Maddie welcomed me with a hug, and her secretary gave me a bouquet. Wala si Yannie, siya naman ang may business trip ngayon. Nauna na siyang magpadala ng bulaklak nung isang araw.

We enjoyed ourselves. Nagpaalam si Maddie dahil dumating daw ang mag-ama niyang parehas gwapo. Kung si Maddie ang pinakamagandang taong nakilala ko, iyong asawa niya naman ang pinakagwapo. Bukod kay Quen na kaibigan ni Silver. Hindi ko pa siya ulit nakikita.

Medyo gabi na nang matapos ang kainan na nauwi sa inuman ng staff. Nauna na akong bumaba kahit walang kasabay. I told Prim not to fetch me since tambak ang trabaho niya sa office dahil nga maraming bansa na ang sinusuplayan niya. Ang alam ko ay may bago siyang ilalabas na weapon. Tapos na, may stocks na rin. Pero may isa pa raw siyang pinagtatrabahuhang imbentohin na paniguradong magugustuhan nina Ali at Kuya Steph para sa mga products nila. Lagi kasi silang naggagamitan ng products. Hindi 'yung puro competition. They even share ideas. They just support one another more than a hundred percent. Meron nga silang high-tech glass na A.I. Ginawa ni Ali para lang sa kanila, hindi para ilabas. It was almost like Ali's sense of sight was in there. Kahit sinong tingnan nila, mag-aappear ang significant details tungkol sa mga taong iyon. Marami pa 'yung kayang gawin pero hindi ko na naintindihan. Si Colton lang ang nagsabi sa akin noon.

Connected kasi ang mga products nila sa isa't isa. Like, some were made to work better together. Stark Industries creates different kinds of satellites, trackers, advanced gadgets and many more. Even powerplants and everything. Van Arsdale, well,  special kinds of machines such as robots or AI. Now, the three of them are working on war machines. They're all excited about it. Kaya nga sobrang busy nilang lahat. Minsan nga, aalis sila sa bahay nang umaga tapos uuwi rin nang gabi or madaling araw. Tapos, akala mo galing office, 'yun pala galing business meeting sa ibang bansa.

I was about to enter my lambo, Prim's gift, when I felt something hard and cold touch my bare nape. I didn't have to take a look to know what it was.

"Huwag kang papalag kung ayaw mong sumabog ang  utak mo." and with that, nalipat ang tutok ng baril sa ulo ko. I finally met criminals. Bad humans. Tsk.

I sighed as I faced the gunmen. I faked a scared reaction dahil baka isang higit ko lang sa nasa harapan ko ay bali na ang kamay niya. Unti-unting dumami ang mga taong nagsisigawan. Takot na takot.

"Tumawag kayong mga pulis!" I heard a lady shout, followed by a loud bang. Fuck. One of them just shot the lady's leg. Wala na akong kapangyarihan ngayon pero magaling akong mag-obserba. Tinandaan ko ang sapatos na suot ng lalaking bumaril bago nila ako tuluyang maipasok sa loob ng van nila.

"Why are you doing this?" I asked calmly. Mukhang nagtataka sila sa inaasal ko pero wala akong pakialam.

"Ikaw iyong sikat na modelong may pinakamataas na sweldo 'di ba? Tapos laman din ng balitang ikaw ang mapapangasawa ng pinakamayamang tao sa bansa." one exclaimed. Bakit parang galit siya?

"And?" tanong ko pa kahit may tatlong baril na nakatutok sa akin. Halatang nabigla na naman sila sa tono ng boses ko.

"Ginagago mo ba kami?! Hindi porket maganda ka ay sasantuhin ka na—"

Live, Alena (Luctus Academy)Where stories live. Discover now