17 Salem

61 10 0
                                    


Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon na 'to. I'd do everything to be out of this cafeteria. But how could I even move if I was trapped by two huge guys?

"Two days mo na akong hindi nirereplayan." panimula ni Caius na nakaupo sa kanan ko. Narinig ko ang pagtatampo sa boses n'ya.

"What? You have her number?" inis na tanong naman ni Zacharias na nakaupo sa kaliwa ko.

My eyes were fixed on my plate in front of me even if I could feel both of them staring. They were seriously suffocating me.

I thought I was going to finally have a peaceful lunch after few weeks in college. Ang luwag ng schedule ko ngayong araw dahil hindi pumasok 'yung prof ko kanina at wala akong pasok after lunch. Mamayang alas tres pa ang susunod kong klase.

Dinampot ko ang kubyertos at nagsimula ng kumain. Ngayon lang ako humiling ng normal na lunch, pero bakit kailangan maging ganito? I'd rather have my normal schedule back than spending my lunch like this. Mas gusto ko pang mag-take out ng pagkain at kumain sa room ng mabilisan.

Halos hindi ko malunok ang kinakain ko dahil sa atensyon na nakukuha ng table namin.

"Bakit siniseen mo lang ako sa messenger?" sunod na tanong naman ni Caius.

Ano bang dapat kong sabihin kung puro mukha n'ya at ni Tony 'yung sinesend n'ya sa akin? He kept on bragging about the collar that I bought for his dog.

"You didn't even accept me on faceb--"

"Bakit ba sabat ka ng sabat eh kinakausap ko s'ya?" inis na pagpuputol ni Caius kay Zacharias.

There he was. He'd be starting a fight anytime soon.

I drank on my tumbler and wiped my mouth using some tissue. Iniisip ko pa lang na hindi ko mauubos 'tong pagkain na binili ko, parang nag-iinit na 'yung ulo ko. For goodness' sake, nakaka-isang subo pa lang ako pero nagkakasagutan na agad sila.

I went in the cafeteria alone. Wala pa akong nagiging kaibigan sa mga kasama ko sa klase dahil walang may gustong lumapit sa akin sa sobrang tahimik ko. I didn't mind that. Mas gusto ko pa nga 'yon. So, I went here feeling good. I ordered my food and peacefully sat on this empty table. Hindi pa man nag-iinit 'yung pwet ko sa upuan, naramdaman ko na agad si Caius sa paligid ko. The next thing I knew, he was already sitting beside me.

Hindi pa man n'ya nabubuka ang bibig n'ya para magsalita, biglang may naupo sa kabila ko. It was Zacharias, flashing his perfect white teeth.

"I'm also trying to make a conversation with her, kid." mayabang na sagot naman ni Zach.

"Kid?!" singhal ni Caius. I knew he'd react like that. "Alam mo Salonga, tigilan mo na ang pagpapapansin kay Salem. Halata naman na ayaw n'ya sa'yo."

Tama naman si Zach. Caius was still a kid. Para s'yang bata kung makipag-away.

"So, sa'yo may gusto s'ya?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Zach ay alam kong nakangisi s'ya.

Ibinagsak ko ang kubyertos ko. I sighed and calmly stood up. Kung kailan aalis na ako ay doon sila nanahimik parehas.

I ignored the attention that I was getting. Pagod na akong pinapanood lagi kaya pipiliin ko munang umalis ngayon. Masyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa 'to. I wore my bag and silently walked out of the cafeteria without saying anything and without looking back.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I've lost my appetite. I was so tired physically and mentally. I haven't fully adjusted to college life yet. I was always anxious over the school activities that I don't get enough sleep until I feel like I've perfected everything. Nag-iisa lang ako dito. Hindi ko naman kailangan ng tulong mula sa iba. Kailangan ko lang ipahinga 'yung utak ko kahit sandali lang.

Salem's Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon