Caius

177 13 18
                                    

If you went this far, thank you so much. This is my first completed story in this account. Though I gave up about a thousand times in writing, I still couldn't help but write drafts after drafts and hide them somewhere in my phone.

I've written a lot but I just found my lost courage few months ago so I finally decided to publish this story here. Maybe someday I'll finally let those hidden words out in the world. I know I'm still lacking a lot but I guess finishing one is enough for now.

Sorry for the wrong grammars and info and you can kindly reach out to me if I need to change something.

Again, thank you so much. I hope you loved Caius and Salem as much as I did. See you on the next story!

Epilogue

Alam ko kung ano ang iniisip n'ya-- na nagseselos ako sa lalaking kausap n'ya kanina.

Rein Perez.

Kilala ko na s'ya bago pa man n'ya lapitan si Salem. Alam kong darating 'yung araw na 'to pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip ang dapat kong gawin.

Hindi ko alam na ganito ang pinasok ko. Hindi ko rin naman alam na patibong lang 'yun ni Zacharias Salonga para makuha ako. Alam na alam n'ya ang kahinaan ko kaya 'yun ang ginamit n'ya. Oo, gagawin ko ang makakaya ko para mapatunayan sa lahat na kaya ko silang pahangain pero hindi ito kasama sa plano ko.

Naisip ko pang huwag nalang seryosohin ang mga nahuhuling Linggo ko sa high school para bumagsak ako at hindi nalang mag-aral para makalayo sa kanila. Wala ding silbi kung lilipat ako ng kurso o eskwelahan dahil alam kong susundan lang nila ako.

Pero nang mag-away kami ni Salem, hindi kinaya ng konsensya ko.

Basta nakita ko nalang ang sarili ko nag-aaral para sa entrance exam. Hindi ako nagpatukso sa mga kodigong ibinigay nila at sa halip ay itinago ang mga 'yun para magamit bilang ebidensya sa tamang panahon.

Kahit pa gusto kong umatras ay huli na. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa gulo, nag-iisip na ako ng mga dapat gawin para malusutan 'to.

Matt:

Kapag hindi ka bumalik pagkatapos ng isang buwan, alam mo na ang mangyayari.

Paulit-ulit ko iyong binasa hanggang sa halos araw-araw ay 'yan na ang nakatatak sa isip ko.

"Boss, 'yung hinahabilin ko sa'yo, ah?" ulit ko pa habang hindi matigil ang mga kamay ko sa panginginig. Mahilig ako sa maliliit na gulo para sa sarili kong katuwaan pero hindi ako eksperto pagdating ganitong bagay. "Babayaran ko naman kayo." paninigurado ko pa.

"Pare, kung ganito pala kalaki, bakit hindi pa tayo humingi ng tulong sa mga pulis?" kabadong tanong sa akin ni kuya Joel-- ang gwardya sa village nila Salem. Matagal ko na s'yang kaibigan dahil madalas ako dito.

Hindi ko sinabi ang detalye sa kanya kung bakit pilit kong pinapabantay si Salem at ang pamilya n'ya. Kailangan ko lahat ng tulong na makukuha ko ngayon-- p'wera sa tulong ng mga kaibigan ko dahil hindi rin sila eksperto dito.

"Sabi ko naman sa 'yong hindi p'wede. Nakausap mo na ba sina Gilbert at Junior?" tanong ko-- tinutukoy ang dalawa pang gwardya na kasalitan n'ya.

"Oo. Natatakot la--"

"Ang gagawin n'yo lang ay babantayan ang lahat ng kilos ni Salem. Sundan n'yo s'ya kung may lakad man s'ya. Siguraduhin n'yong nakakauwi s'ya ng ligtas at walang pumapasok sa bahay nila. Labas na kayo sa iba."

Salem's Eyes (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora