19 Salem

68 8 1
                                    


He finally grew tired of me.

That was the first thing that came to my mind when he ignored me in the cafeteria for two consecutive days. He knew I was there but he didn't throw me a glance. He just kept talking with Holly on the way to their friends' table.

How could I not assume that he was done with me when I didn't receive any texts from him since that night? I asked him if he was okay before he left. It took a lot of guts to simply stop him. He told me he was fine. Tapos ay niyakap pa n'ya ako bago s'ya umuwi.

Tinignan ko muli ang cellphone ko na nakapatong sa table ko. Wala pa rin s'yang texts hanggang ngayon. Today was Friday. Wala 'yung prof namin sa last class kaya alas kwatro pa lang ay uuwi na ako.

Yesterday, I went to the main library to borrow some books. I saw him walking towards the SHS building. He was goofing around with Holly and his guy friends while I was wondering what made him give up on me.

Who wouldn't, though? He was seriously putting up with me for months. Hindi ko nga inexpect na tatagal s'ya nang ganoon. He had enough of me. I was glad he realized that I wasn't worth it of his time. He couldn't be my next prisoner after Amara.

I wasn't mad. I would never be mad. I couldn't because I understood him. Naninibago lang talaga ako dahil walang tumatawag or nagtetext sa akin bawat oras. My life became extra quiet without him.

When the prof dismissed us, I stood up first. Gusto ko na talagang umuwi kanina pa.

Pagkalabas ko ng room, agad akong napaliko sa kabilang direksyon noong makita ko si Zach na papalapit. Mabilis akong pumasok sa comfort room na nakita ko. Wala akong mood para pakinggan ang mga sinasabi n'ya. Just merely the sight of him makes my head hurt.

"Uy, Salem. Nandito ka pala." I turned around to find Liza and Jenn. Mga kaklase ko sila. They were always together. Pati ang sitting arrangement ay binabago nila para lang makatabi nila ang isa't isa. "Hinahanap ka ni Zacharias doon sa room." dagdag ni Jenn.

Naka-group ko sila sa isang project kaya hindi na sila nag-aalinlangan masyado na kausapin ako.

They both went straight in front of the mirror. Kinuha nila ang mga make-up pouches nila para mag-ayos bago umuwi.

"Boyfriend mo ba 'yun?" tanong ni Liza.

Sa ibang school sila nanggaling noong high school pero mukhang kilala na nila si Zach.

"No." I answered. I looked at myself in the mirror as well. Kinuha ko ang lipstick ko dahil ang putla ko nanaman.

"Tanga, si Caius boyfriend n'yan." pagsisiko ni Jenn sa kaibigan.

Pati si Caius ay kilala na nila. Kalat na siguro sa room namin na boyfriend ko si Caius. They've seen me with him few times.

"Eh, bakit parang pinopormahan ka ni Zach?" sunod na tanong ni Liza. "Teka, nagtatago ka ba sa kanya?" kunot-noong tanong n'ya.

Noong hindi ako umimik, nagkatanginan silang dalawa. May mapanuksong ngiti sila noong tinignan nila ako ulit.

"Haba ng hair ni Salem. So spicy." panunukso ni Jenn.

I just quietly applied some lipstick while they were giggling. My phone vibrated in my pocket so immediately fished it.

It was my mom asking me why I didn't use the money she gave me for my books. Ngayon pa lang siguro n'ya napansin na hindi ko ginalaw 'yung perang binigay n'ya sa akin noong mag-umpisa ang klase. Hindi ko s'ya ni-replayan. 'Yon nga ang sense nung pagta-trabaho ko sa coffee shop noong bakasyon. My books were expensive and I wanted to help my mom in just a simple way. Kakayanin naman ng sinahod ko noong nagtrabaho ako.

Salem's Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now