28 Salem

109 8 1
                                    

Caius was very very very drunk. Tinawagan lang ako ni Sean-- 'yung isang kaibigan n'ya, para ipasundo si Caius sa akin. Sean was drunk as well but I already understood his slurry words before he could even explain fully. Tinanong ko lang kung nasaan sila para masundo ko na si Caius.

Sinilip ko ang relos ko at halos mapamura na ako dahil sobrang late na. It was past twelve already. Parehas kaming nagre-review ni Amara sa bahay nila kanina noong tumawag si Sean. My mom was with us when I told them I had to go to fetch Caius. I didn't lie. I stopped lying to them. My mom was worried because she thought that there was an emergency. Sinabi ko lang na lasing si Caius at walang maghahatid sa kanya pauwi. Wala naman s'yang naging reklamo dahil sobrang magkadikit na sila ni Caius. She even said that she'd scold him once he visits the house. Amara wanted to come with me but I refused her offer because Caius definitely needed some scolding right now. Finals week ngayon ng senior high at nagawa pa n'yang mag-inom. May tatlong exam s'ya bukas sa major subjects n'ya habang ako ay may isang exam din.

Nag-review naman na ako last week kaya wala ng problema. I was just scanning my notes para tignan kung may nakalimutan ako. Ang inaalala ko ay ang mga exam ni Caius bukas. I already made him some reviewers pero mukhang hindi naman n'ya 'yun ginagamit.

Nakuha pa ngang mag-inom ngayon kahit Wednesday pa lang! Buti nalang talaga ay hapon pa ang klase ko bukas.

I parked Amara's car in front of my boyfriend's house. Sinilip ko pa muna s'ya sa backseat bago ako lumabas para tulungan s'yang makapasok sa bahay n'ya.

The house was dark. Wala sina tita dahil nagpunta sila kay kuya Conrad para sa despedida n'ya. He'd be leaving the country next week, that was what Caius said. Hindi naman pwedeng sumama si Caius dahil finals nga nila. It would be hard to reschedule. Mahirap pa lalo dahil namumuro na s'ya sa mga teachers n'ya.

He managed to pass his first semester. Hindi ko alam kung kakayanin ngayon dahil sa lagay n'ya. Everything would be fucked up if he wouldn't do well tomorrow. Hindi ko alam kung kakayanin pang makuha n'ya ang gusto n'yang kurso kapag bumagsak s'ya sa finals this second semester.

Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip n'ya para maglasing ngayon. He called me late in the afternoon to ask if he could come to his friend's birthday. Hinabilin ko pa nang paulit-ulit na huwag s'yang magpapakalasing pero heto ako ngayon, nakatitig sa natutulog n'yang katawan at nag-iisip kung paano s'yang ipapasok sa loob ng bahay.

"Caius," I called him softly. Agad namang naging alerto ang katawan n'ya at bumangon ang ulo sa pagkakahilig sa upuan.

"Salem?" lasing n'yang tanong. Bigla ay sinubukan n'yang tumayo kaya nauntog s'ya sa bubong ng kotse. I grimaced. Hinawakan n'ya ang ulo n'ya gamit ang dalawang kamay atsaka nayuko dahil sa sakit.

I reached for his head. Bago ko pa 'yon mahalikan ay pabigla nanaman s'yang humarap sa akin kaya napaatras ako sa gulat. Parang hindi s'ya makapaniwala na nasa harapan n'ya ako. He was about to stand up again so I quickly pulled him down. He struggled the hop off of the car. Isinara ko ang pinto at mabilis ko s'yang isinandal sa kotse dahil parang nanlalambot s'ya sa kalasingan.

Maraming beses ko na s'yang sinundo galing sa mga inuman n'ya pero ngayon pa lang yata 'yong pinakamatindi n'yang kalasingan. He couldn't even stand straight! Minsan ay sinusundo ko na s'ya sa tuwing tinetext n'ya ako na ihahatid daw s'ya ni Holly sa bahay n'ya. I couldn't allow that because she would be drunk as well. Hindi ko alam kung paanong nakakauwi 'yung iba pa n'yang kaibigan tuwing nag-iinuman sila. I didn't wanna volunteer to give them all a ride because I simply didn't like to. Sapat na 'yung si Caius lang ang umaabuso sa pasensya ko.

"Caius," I called him again when his head was falling down. Hawak ko s'ya sa bewang n'ya dahil babagsak s'ya sa sahig kapag hindi ko s'ya inalalayan. Inaantok na talaga s'ya pero kailangan n'yang magising dahil hindi ko s'ya kayang buhatin mag-isa.

Salem's Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now