24 Salem

63 9 4
                                    

Hindi ako makatulog. Hindi ko pa rin makalimutan 'yung nangyari kahapon. Caius was still out of reach. Hindi pa rin n'ya ako pinapansin. I liked keeping everything to myself but I feel like I needed someone right now. Kahit ngayon lang. Masyado na akong pagod para dalhin lahat 'tong mag-isa.

I wasn't talking to my mom and I haven't seen Amara since last night. It wasn't my first time being mad at them. Pero ito 'yung unang beses na inaway ko sila.

My mom even went to the other house to leave me alone and give me some time for myself because she knew I needed it.

Napabangon ako nu'ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ni tita Wena sa screen. My heart started beating eratically.

I immediately answered the call. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang hinihintay s'yang magsalita.

"Tita?" I called.

"Salem, kasama mo ba si Caius?" bungad n'ya. Napapikit ako dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Hindi po, eh. Wala po s'ya sa inyo?" I bit my lip and looked at my wristwatch.

12:15 am.

"Wala pa s'ya hanggang ngayon. Tinawagan ko na 'yung mga kaklase n'ya pero hindi naman daw nila kasama."

Mabilis akong nagpunta sa cabinet ko at kumuha ng hoodie.

"Tatawagan ko po 'yung mga iba n'yang kaibigan. Itetext ko po kayo."

Matapos kong masuot ang hoodie ay lumabas na ako sa kwarto. My mom was already asleep so all the lights were off.

"Sige, ah? Nag-inom na naman siguro 'yon. Nakapatay ang telepono n'ya."

After that call, I immediately looked for Kiko's number. Sa pangatlong beses kong pagtawag ay doon pa lang n'ya 'yon sinagot.

"Salem?" I muttered a curse when I heard his sleepy voice. I must've woken him up. Akala ko ay magkasama sila.

"Do you know where Caius is?" tanong ko. Napatigil pa ako sa hagdanan habang hinihintay ang sagot n'ya.

"Ha? Hindi. Baka kasama si Junie." aniya. Mukhang nagising ko 'yung kaluluwa n'ya. "Did you two fight?" tanong n'ya.

"Just send me Junie's number." I said in a hurry.

"Okay. Don't worry too much. I'm sure he's fine." He even sounded worried himself. Mas lalo lang akong kinabahan dahil sa sinabi n'ya.

Tuluyan na akong bumaba ng hagdan at nagtungo sa dining table kung nasaan 'yung susi ng kotse ni mama.

"Can you call his other friends. Text me if you got something."

"Yeah."

Binaba ko ang tawag at sunod na pinindot ang number na sinend ni Kiko sa akin. Nakahinga ako ng maluwag noong agad na sinagot ni Junie ang tawag.

Maingay na tugtog ang bumungad sa tenga ko.

"This is Salem." agad kong sabi.

"Ha?" I heard him moving until the music became less loud. "Sino ka ulit?" he sounded drunk.

"This is Salem. Kasama mo ba si Caius?" tanong ko. Mom would go ballistic once she knew about this. I unlocked the door and silently went out. I just hope she wouldn't hear the car. I didn't wanna wake her up. Hindi n'ya ako hahayaang lumabas nang ganitong oras.

"Ah. Oo. Putàngina ni Caius."

"Where are you? Is he fine?" nag-aalalang tanong ko.

Salem's Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon