37 Salem

75 6 0
                                    


"Salem, anak. Salem."

I opened my eyes when I felt someone shaking my shoulder. Pakiramdam ko ay kakapikit ko pa lang. I sat when I found my mom standing on the side of my bed...looking mad.

"Nag-away ba kayo ni Caius?" inis na bungad n'ya sa akin. She was already wearing her uniform for work.

Nagtaka pa ako sa tanong n'ya. Maybe because of what I did yesterday. Basta nalang ako umalis kahit na tinatawag nila ako. They were also startled of how lonely I looked during the dinner.

"Mom, can we not talk about this?" Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi.

"Paanong hindi kung nakita kong natutulog 'yang boyfriend mo sa labas ng bahay natin ngayon?! He even refused to go inside unless ikaw ang magpapasok sa kanya!" giit n'ya.

Parang nagising ang kaluluwa ko sa narinig ko. Mabilis akong napatayo at hinanap ang cellphone ko sa vanity ko. I unlocked it and saw more than twenty missed calls. He's been calling me since 2:30 AM.

"Fuck." I muttered. Bago pa ako makalabas sa kwarto ko ay hinila ako ni mama.

She looked so disappointed.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Caius stopped going here. Anak, b--"

"Mom, don't worry. Please. We'll talk about this." nagmamadali kong pagputol sa kanya. I brushed my hair using my fingers.

"I just can't believe you let him sleep outside like that. Hindi naman tama 'yun, anak."

Napapikit ako ng mariin. Just fuck. Naihilamos ko muli ang palad ko sa mukha ko. Alam ko naman na kasalanan ko. I couldn't imagine he really did that.

"Ma, hindi ko alam. If I knew, I wouldn't let him stay outside. Hindi ko kaya 'yun." pag-eexplain ko. "Just don't worry. We'll fix this, I promise. I can't...I won't lose him, okay?" paninigurado ko sa kanya.

My mother loved and cared about Caius like her own. Masyado na silang close. Masasaktan s'ya kapag nalaman n'yang nagkahiwalay kami.

Bumuntong-hininga s'ya atsaka na ako pinakawalan. Mabilis akong bumaba para puntahan s'ya. My heart broke when I found him sitting on the pavement. Nakatukod ang mga siko n'ya sa kanyang tuhod at nakasubsob ang mukha n'ya sa mga palad n'ya.

My mom followed me. Tumigil s'ya sa hamba ng pintuan at nag-aalalang pinanood kami.

Mukhang hindi napansin ni Caius ang paglabas ko. I went in front of him and squatted. Nagulat pa s'ya nang makita ako. His eyes were red and he looked so pale. Agad akong kinabahan sa pag-aalala. I held his face. Nakagat ko ang labi ko noong maramdaman ko kung gaano kainit ang balat n'ya. Nilalagnat nanaman s'ya. And it was my fault. He stayed here through the night. I couldn't imagine how cold and scary it must be. He could've just rang the doorbell. Damn it.

"Salem..." his eyes welled up with tears. Hinawakan n'ya ang mga kamay kong nasa pisngi n'ya.

"Hindi mo ba alam kung gaano ka-delikado 'yang ginawa mo?" I could even hear the fear on my own voice.

"Akala ko kasi galit ka. Hindi...hindi mo sinasagot 'yung mga tawag ko." his lips trembled. He gulped and tried to stop his tears but he failed.

I wiped his tears. "Tara na sa loob."

Hinila ko s'ya patayo. My mom wasn't by the door anymore when we entered the house. Diretso ko s'yang dinala sa kwarto ko. He needed to drink medicine for his fever. Lagi nalang s'yang nagkakasakit.

"Salem..." tawag n'ya sa akin nang binitawan ko s'ya at dumiretso sa closet ko.

I found one of his shirts in my closet and a drawstring short that I borrowed when I stayed in his house few months ago. Nakatitig s'ya sa akin nang iabot ko ang mga 'yun sa kanya.

Salem's Eyes (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя