CHAPTER THREE - WHITE

14.5K 442 39
                                    

"The art of love is who you share it with." - Neil Diamond

-----------------

Kay's POV

            Bumagal ang lakad ko nang makarating sa floor ng opisina namin.

            May nakikita kasi akong tao na nakaupo sa mesa ko at isa-isang tinitingnan ang mga papel na nakasabog doon. Kumunot ang noo ko. Kilala ko ang kulot na buhok na iyon na laging naka-bun. Talaga namang makikilala ko agad dahil siya lang ang lalaking nakilala ko na maganda ang mahaba at kulot na buhok na tipong laging babad sa parlor.

            Tumingin ako sa paligid tapos ay sa relo. Maaga pa. Past eight AM. Kahit kailan, hindi ko nakitang dumating ng ganito kaaga sa opisinang ito si Xavi Costelo. At wala pa ang Uncle niya. Ten o' clock pa dumadating si Sir Guido.

            Hindi agad ako lumapit sa mesa ko at pinagmasdan ko lang kung anong ginagawa niya. Nasa itsura niya ang pagkainip habang nagkakalkal sa mga papel. Mali. Hindi siya nagkakalkal. Iniimis niya ang mga papel na naroon. Gusto ko agad siyang sitahin. Kahit magulo ang table ko at hindi organized, kabisado ko kung saan ko makukuha ang mga files na kailangan ko. Sabog lang ang mga gamit ko pero organized naman sila sa utak ko.

            "Bakit ka late?"

            Tiningnan ko lang si Mahra at napailing. Ang aga-aga mukhang bubuwisitin na naman ako ng babaeng ito. Sigurado ako, magpapakitang-gilas na naman ito dahil nandito si Xavi.

            "Nagpaalam ako kay Sir. Sabi ko medyo mali-late ako dahil bumili pa ako ng gamot para sa asawa ko." Sagot ko sa kanya tapos ay muling tumingin kay Xavi. Ngayon ay palinga-linga na ito sa paligid at panay ang tap ng mga daliri sa mesa.

            "Kaya siguro hindi ka na rin nakaligo at hindi na rin nakapag-plantsa pa ng damit." Nakangiwing sabi ni Mahra. "Well, hindi ka naman mabaho. Buti na lang bumawi ka doon. But look at yourself. Parang hindi ka tumitingin sa salamin. My god, Kay nakakaloka ang fashion statement mo. Saang ukayan mo nabili ang skirt mo? And your top? Mukhang labang poso," nasa mukha nito ang pandidiri.

            Inirapan ko na lang siya habang lumakad ako papunta sa aking table.

            "Hinahanap ka niyan. Ni Xavi. Mukhang may trouble ka. Goodluck. Baka matatanggal ka na sa trabaho," nanunuya pang sabi ni Mahra bago sumakay sa bumukas na elevator.

            Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaba. Sa isip ko ay pilit kong inaalala kung may nagawa ba akong mali sa mga trabaho. Pero wala naman. Kahit marami akong problema sa bahay, sinisiguro ko na pagdating dito sa opisina, nagagawa ko ng tama ang mga trabaho ko.

            Nagliwanag ang mukha ni Xavi nang makita akong papalapit. Ngumiti agad siya at lumingon ako para masiguro na ako nga ang nginingitian niya. Alanganin akong lumapit sa mesa ko at inilagay ang bag ko sa drawer at agad na inayos ang mga papel na ginulo niya.

            "Kaydence? Right?" Nanatili siyang nakaupo sa dulo ng mesa ko habang tinitingnan ang ginagawa ko.

            "May kailangan po kayo, Mr. Costelo?" Gusto ko na siyang umalis. Wala namang business sa kumpanyang ito si Xavi. Kalat naman dito na ayaw nito ang pumasok sa Costelo Metal Works.

            Napa-hmm si Xavi at ngumiti sa akin tapos ay huminga ng malalim.

            "Do you want extra money?"

            Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Ano ang sinasabi ng lalaking ito?

            "Alright, sorry." Tumawa nang nakakaloko ang lalaki. "I'll rephrase it. Do you need extra money?"

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now