CHAPTER FOUR - TAUPE

14.1K 458 58
                                    

"Art is Freedom. Being able to bend things most people see as a straight line." - Unknown

--------------------

Kay's POV

Inimis ko ang mga papel sa mesa ko nang dumating ako sa opisina kinabukasan. Nahihiya na ako kay Sir Guido. Pakiramdam ko abuso na ako sa kabaitan niya. Baon na ako sa utang dahil sa dami ng cash advance ko sa department, ang dami ko pang late, ang dami ko pang undertime. Tulad kahapon, kararating ko lang sa opisina pero kinapalan ko na ang mukha kong uuwi na agad dahil sa emergency na nangyari kay Jeremy.

Napapailing ako at napahinga nang malalim habang sumandal sa kinauupuan ko. Marahan kong hinilot-hilot ang ulo dahil sa problema na namang dumating. Dinala ko kasi sa ospital kahapon si Jer. Naaksidente siya habang nagpipilit na kumilos sa bahay. Bigla siyang nawalan ng malay dahil daw biglang nagdilim ang paningin niya. Bumagok ang ulo at pumutok. Seven stitches ang tahi niya sa ulo. Instead na dalhin ng nanay niya, hinintay pa akong dumating para ako pa ang magdala sa ospital sa asawa ko. Sinisi pa ako dahil hindi daw muna ako naglinis ng bahay at nag-asikaso ng mga pagkain na maiiwan para sa kanila. Kung nag-asikaso daw ako, hindi maaksidente si Jer.

Hindi na lang ako kumibo. Kung puwede ko lang sagot-sagutin ang biyenan ko ay ginawa ko na. Pero tinuruan ako ng magandang asal ng magulang ko. Kahit basura daw ang ugali ng kausap ko, basta nakakatanda sa akin, ako na lang daw ang magpasensiya kaya ganoon ang ginagawa ko sa nanay ni Jer.

Ang kulit pa niya. Pilit niyang hinihingi ang kulang ko daw na two thousand para sa pang-tuition ni Jerika. Para matahimik, ang tinitipid kong pera sa panggastos naming mag-asawa para sa susunod na linggo ay ibinigay ko na sa kanya. Bahala na kung saan ako kukuha ng panggastos namin.

"Ang suwerte mo naman. Kakapasok mo lang kahapon, umuwi ka naman agad. Sobrang lakas mo naman kay Sir Guido." Alam niyang nanunuya ang tono na iyon.

Umirap ako at ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng mga gamit sa harap ko. Umagang-umaga, bubuwisitin na naman ako ni Mahra.

"Bakit ba ang lakas mo sa kanya? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may favoritism dito? Hindi ka naman masyadong magaling." Binuklat-buklat pa nito ang mga folders na nasa mesa ko kaya mabilis ko iyong hinila.

"Kasi siguro, trabaho lang ang inaatupag ko hindi katulad mo na buhay ng ibang tao lagi ang trinatrabaho mo," hindi na ako nakatiis na hindi sumagot sa kanya.

Tumalim ang tingin sa akin ng babae. Halatang tinamaan sa sinabi ko.

"Saka, bakit ba ako lagi ang nakikita mo? Inaano ba kita? Inaano ka ba ng mga damit ko? Inaano ka ng itsura ko? Kung naalibdbaran ka sa akin, huwag mo akong tingnan. Huwag mo akong pansinin. Maghanap ka ng ibang mabu-bully." Padabog kong ibinagsak ang mga papel sa harap niya.

"Ang yabang mo. Akala mo kung sino ka. Kaya pala hindi ka ma-promote. Samantalang ako, wala pang one year, twice ng na-promote." Inayos pa nito ang mamahaling damit na suot. Parang iniinggit ako.

"Iyon naman pala. Ano ngayon ang ipinaglalaban mo sa akin? Mas magaling ka. Siguro ikaw ang may backer dito kaya kahit wala kang ginagawa, napo-promote ka." Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Pangit na 'to. Kung hindi ka pa mukhang hindi naliligo. Sasabihin ko sa HR na nuisance ka dito. Hindi kami makapagtrabaho ng maayos dahil nadi-distract kami sa kapangitan mo."

Ngumiti lang ako ng nakakaasar sa kanya. "Go ahead. Walang pumipigil sa iyo. Alis na. Marami pa akong gagawin."

Padabog akong tinalikuran ni Mahra.

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now