CHAPTER THIRTY ONE - ORANGE

12.4K 447 98
                                    

"Every child is an artist. The problem is how to remain an artist once we grow up." - Pablo Picasso

---------------------

Kay's POV

            Tiniis ko talaga na hindi lumabas ng kuwarto kahit na nga tinatawag ako ni mommy para sumabay sa kanilang maghapunan. Nangatwiran akong may kailangan akong tapusin na article at deadline ko bukas. Hindi na rin ako kinulit ni Joshua. Naririnig kong ang kapatid kong si Kenneth ang kausap niya. Silang dalawa ang nag-uusap tungkol sa mga kailangan niyang gawin sa school.

            Pasado alas-diyes na iyon ng maisipan kong lumabas. Kakain lang ako ng bread dahil ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Alam kong ako na lang ang gising sa bahay. Tinungo ko ang kuwarto ng anak ko at sumilip. Tulog na si Joshua. Nakatulog na sa kama katabi ang mga libro at notebooks na inilabas ko kanina. Inayos ko siya sa pagkakahiga at niligpit ang mga libro na naroon. Natuon ang pansin ko sa painting ko na ginawa niya. Napahinga ako ng malalim at kinuha ang telepono ko. Inayos ko ang pagkakapatong ng painting sa easel at kinuhanan ko ng litrato bago iniligpit iyon. Isinama ko sa mga canvass na may painting niya na inilalagay ko sa kahon para iligpit.

            Tiningnan ko ang mga paintings ni Joshua na nasa phone gallery ko. Hindi alam nila mommy na ginagawa ko ito. Lahat ng drawings niya mula pa noong maliit siya ay naroon. Hindi ko naman binubura. Napakagaling talaga ni Joshua. Three years old siya ng mapansin ko ang galing niya sa pagguhit. Sa pag-blend ng mga kulay. Wala siyang proper studies pero iba talaga siya humagod ng drawing sa papel. Kayang-kaya niyang gayahin ang mga nakikita niyang mga cartoons na napapanood niya sa TV. Hindi ko iyon pinapansin dahil ayoko talagang maging ganoon siya. Gusto kong maging katulad siya ni Jeremy. Pero lumilipas ang mga taon, lalo pa yatang nahahasa ang talent niya. Ito ngang seven years old siya at nasa Grade 2 na, ilang beses na laging pinapasali sa mga art contest ng school si Joshua pero hindi ko pinapayagan. Ayoko talaga na maging pintor siya.

            Napapangiti pa ako habang bina-browse ko ang mga paintings at drawings niya na nasa cellphone ko. Maganda kasi talagang tingnan. Sabi nga ni Kenneth kung i-enroll ko daw sa art school si Joshua, mas lalo pang mahahasa ang talento nito pero as usual, nag-aaway lang kami ng kapatid ko dahil tumatanggi lang ako lagi.

            Nilapitan ko si Joshua at naupo sa tabi ng kama niya. Tulog na tulog. Hinaplos ko pa ang ulo niya at hinalikan iyon. Nagulat ako ng biglang nag-vibrate ang telepono ko. Napangiwi ako dahil tumatawag ang boss ko na naka-base sa Hongkong. Hindi ba nito alam kung anong oras na? Sabagay, kailan ba natuto sa oras ang boss kong ito? Lagi kasi itong nasa iba-ibang bansa kaya minsan ay nakakalimutan na nito ang mga time zone.

            "Charisse." Lumakad ako palabas ng kuwarto at dahan-dahang isinara ang pinto.

            "Kay, how's my article?" Iyon agad bungad niya sa akin.

            "I am going to finish it tonight. Isi-send ko na sa iyo maya-maya. Mag-dinner lang ako." Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang tinapay na naroon. Inilagay ko sa speaker ang call niya para makagawa ako ng pagkain ko.

            "Good. I just want to give you a heads up. Starting tomorrow, you need to join the local team. Kailangan mo ng pumasok sa office."

            Napahinto ako sa ginagawa ko.

            "What? Charisse, hindi iyon ang scope ng trabaho ko. I told you I cannot work in the office. May anak ako na kailangan kong tutukan."

            "I can't do anything about this, Kay. Kahit nga ako mapipilitan na mag-base sa Manila. Utos ito ng top management. Lahat ng online contributors ng magazine nire-require ng pumasok and ikaw ang pinaka-matagal na. Five years ka ng online content support, kuntento ka na ba diyan?"

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now