CHAPTER FORTY - FIRE BRICK

30K 916 290
                                    

"Waiting is a sign of true love and patience. Anyone can say I love you, but not everyone can wait and prove it's true." - Unknown

------------------------------

Xavi's POV

And it worked.

I could see Kaydence was tensed when I was walking towards her. The same face that I could see every time we would see each other back then.

She was trying to step backwards pero wala na siyang pupuntahan. Sukol na siya dahil napahawak na siya sa mesang naroon.

"What you need to do right now is to become a parent to Joshua by marrying me."

Titig na titig ako sa mukha niya at mas lalo akong natutuwa dahil sa nakikita kong pagkataranta doon.

Alam kong magpo-protesta si Kay kaya mabilis kong hinawakan ang ulo niya ay hinalikan siya sa labi.

Damn. How I missed her. Her scent. Her natural scent that I was longing for seven years. It was her. It was really her that I made love that night seven years ago.

Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Kay.

"Kadiri ka! 'Yang bibig mo pinanghalik mo pa sa ibang babae tapos ihahalik mo sa akin," nagpipilit na makawala sa akin si Kay pero nanatili akong naka-dikit sa kanya. Parang diring-diri na pinapahid pa niya ang bibig at masamang tumingin sa akin.

Naguluhan ako sa sinabi niya pero kita ko pa rin ang pagkataranta sa mukha niya. I know she could feel the tension between us. The same tension that we felt every time we were together.

"Mag-mouthwash ka ng Lysol para matanggal ang bacteria ng babae mo," pilit na kumakawala siya sa akin pero pinigilan ko lang siya.

"Wala naman sakit si Sophie."

Lalong nag-apoy ang mata ni Kaydence at malakas akong itinulak. Sa pagkakataong iyon ay nakawala na siya sa akin at mabilis na lumayo. Napapabuga pa ng hangin at hindi malaman kung tatakbo o ano.

Napahinga ako ng malalim at napailing.

"Kay, can we talk please?"

Napalunok siya at kitang-kita ko pa rin ang tensyon sa kanya kaya natawa ako.

"You felt it, right?" Nanunuksong sabi ko.

"A-anong felt? Wala akong nararamdaman." Pilit na umiiwas sa akin si Kaydence kaya mabilis akong lumapit sa kanya at ikinulong ko siya sa mga bisig ko.

"Stop resisting it, Kay. I know you're feeling it too and let it loose. Wala na si Jeremy. Hindi ka na nakatali sa kasal." Titig na titig ako sa mukha niya at nakikita kong napapaiyak na si Kay habang nakatingin din sa akin. Marahan kong hinaplos ang mukha niya. "I've waited for this for so long. I've tried so hard to forget you pero isang ngiti mo lang, isang tingin mo lang tumitiklop ako sa iyo. You are the only woman who made me crazy like this."

"Made you crazy? Pero pumapapak ka ng ibang babae." I could still see jealousy in her eyes.

Natawa ako. "And it worked. Kung hindi ka pa bumigay sa pagpapaselos ko using Sophie, kikidnapin na kita at wala ka ng magagawa para ikasal ka sa akin."

Napapikit-pikit si Kaydence. Halatang pinipigil ang mapaiyak.

"I love you, Kay. Even if you're married, I would still love you. Kuntento na ako noon na mahalin ka mula sa malayo. Kuntento na akong mainggit habang nilalambing ka ni Jeremy. Parang pinipiga ang dibdib ko sa tuwing ikukuwento niya kung gaano siya kasuwerte na ikaw ang asawa niya. Inggit na inggit ako. I had it all but still I am longing for something that I cannot have and that was you. But Jeremy made something that would change everything. Huwag kang magalit kay Jeremy. He did that out of love for you. A selfish and selfless act at the same time."

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now