CHAPTER TEN - MULBERRY

12.5K 403 28
                                    

"A true artist is not one who is inspired, but one who inspire others." - Salvador Dali

------------------

Xavi's POV

Kahit nakainom ako ng nagdaang gabi ay pinilit ko pa ring pumasok ng maaga sa trabaho. Gusto ko ding malaman kung nakapasok si Jeremy dahil alam kong nalasing siya kagabi. I could still remember the horror on Kaydence's face when she saw me brought his drunk husband last night. She was afraid that I might be using Jeremy to get even to her because of her rejection to me.

Oo. Noong una, iyon ang plano ko. Gusto ko siyang balikan dahil talagang hindi matanggap ng ego ko na tinanggihan niya ang katulad ko. Pero ng makilala ko si Jeremy, ibang klaseng tao ang lalaking iyon. Madaming ipinapa-realize si Jeremy sa akin. Kung gaano ako kasuwerte dahil kumpleto ang katawan ko, suwerte ako at maayos ang buhay ko na ang tanging problema ko lang ay ang misunderstanding namin ni dad at kung paano ako magkakaroon ng bagong model sa upcoming exhibit ko. Ang babaw na dahilan na talagang pinoproblema ko ng sobra. Samantalang siya, parang pasan na niya ang daigdig pero siya, patuloy siyang lumalaban at nagpapatuloy para sa asawa niya.

Suwerte si Jeremy. Nagkaroon lang siya ng diprensiya at hikahos sa buhay and yet someone was still loving him unconditionally. Samantalang ako, siguro kung malulumpo ako ngayon mawawala ang lahat ng mga babaeng umaaligid sa akin. Mawawala ako sa limelight. Walang mag-iintindi sa akin. I'll be sulking in one corner of my room alone or worst, I might die alone and lonely.

Dumiretso ako sa table ni Jeremy at nakita ko na siyang nakaupo doon at nagta-trabaho na. Tulad ng madatnan ko siya doon kagabi. Kaharap na ang mga trabaho na dapat niyang tapusin. Wala sa itsura niya na kagabi lang ay langong-lango ko siyang inihatid pauwi sa bahay nila.

"Jer." Bati ko ng makalapit sa kanya.

Nahihiyang ngumiti siya sa akin at napakamot ng ulo.

"Sir," naiiling siya at napayuko bago tumingin sa akin. "Pasensiya na kagabi. Nalasing ako. Sabi ko naman sa inyo hindi talaga ako sanay uminom."

Tumawa na lang ako. "Pinagalitan ka ba ng asawa mo?"

"Hindi naman. Konti lang. Nakakahiya lang daw at boss ko pa ang naghatid sa akin pauwi. Inasikaso pa niya ako kagabi kasi talagang blackout na ako. Hindi ko na uulitin iyon."

Napatango lang ako at nakatingin sa kanya. Sa akin, wala pang babae ang nag-asikaso sa tuwing malalasing ako. Malalasing ako ng sobra, susuka, matutulog ng amoy alak at paggising ko, ganoon pa rin ako. Ako pa rin ang mag-iintindi sa sarili ko.

"Sana sinabi mo na minsan lang naman iyon. Nag-unwind ka lang. Nga pala, i-forward mo sa akin ang lahat ng reports na ipinakita mo sa akin kagabi para mas mapag-aralan ko. And please don't tell this to anyone."

Tumango si Jeremy sa akin at nagpatuloy na sa pagta-trabaho.

"I remember last night you told me that you and your wife are going to celebrate your wedding anniversary tomorrow. You can take the day off para makapag-celebrate kayo."

"Ah iyon ba, Sir? Usapang lasing lang po iyon. Sanay na naman kami ng asawa ko na hindi nagsi-celebrate ng anniversary. Ordinaryong araw lang sa amin iyon."

Tumango-tango lang ako. Sa isip ko ay may nabubuo akong plano.

"Sige. Dalhin mo na lang sa akin ang report," pagkatango ni Jeremy ay tinalikuran ko na siya at dumiretso ako sa office ko.

Withered Hues (COMPLETE)Место, где живут истории. Откройте их для себя