CHAPTER SIX - BROWN

13.6K 434 46
                                    

"Art is not always about pretty things. It's about who we are, what happened to us and how our lives are affected." - Elizabeth Broun.

------------------------

Xavi' POV

            "What made you change your mind and you decided to work here at XV Solar Panels?"

            Tumingin ako sa daddy ko na tinitingnan ang credentials ko na alam ko naman na hindi papasa sa kanya. Nakalagay lang sa curriculum vitae ko na graduate ako ng Mechanical Engineering. No job experience pero inilagay ko lahat ang mga achievements ko as an artist. Inilagay ko doon na ilang beses na akong nakapag-exhibit sa abroad. Inilagay ko ang pangalan ng mga nagco-commission ng mga gawa ko, inilagay ko din kung saang sikat na mga buildings makikita ang mga paintings ko.

            Pahagis na ibinalik sa akin iyon ni daddy. I am fucking with him. Talagang inaasar ko siya kaya iyon ang inilagay ko sa papeles na hinihingi niya. Pumayag na akong magtrabaho dito sa isang company ng family namin dahil meron akong personal na interes.

            Dito ko ipapasok para magtrabaho si Jeremy Montecillo.

            "Hanggang kailan ka naman magta-trabaho dito?" Sumandal pa si daddy sa swivel chair habang nakatingin sa akin. Sa paraan ng pagkakatingin niya, halatang naaalibadbaran siya sa itsura ko. Napailing na lang ako hindi pinansin ang tingin niya.

            "Hanggang kailan mo akong gustong magtrabaho dito?" Balik-tanong ko sa kanya.

            "Xavier, hindi laro itong ginagawa natin. If you want to be a part of this company, you need to be dedicated. You need to be responsible. Hindi 'yung gusto mo ngayon tapos bukas ayaw mo na." Tumaas na ng konti ang boses ni daddy.

            Iniiwas ko na ang tingin ko sa mukha niya. Dapat talaga sumama na sa akin si Uncle Guido ngayon na haharap ako kay dad. Konting usap pa namin nito siguradong magsisigawan na kami mamaya.

            "Wala lang akong choice kundi ikaw kaya kita pinipilit na magtrabaho dito. Sa totoo lang ano ba ang nakukuha mo sa pagpipinta? Walang pera diyan. Ang pera nandito sa kumpanya natin. Ito ang pag-ubusan mo ng oras."

            Inis kong tinabig ang mga lagayan niya ng ballpen sa mesa niya.

            "Ito na naman ba ang pag-uusapan natin? First day ko sesermonan mo na naman ako? Ano pa ba ang gusto mo? Nandito na ako."

            Kita kong namula ang mukha ni daddy sa pagpipigil ng galit.

            "If I have a choice, dad I won't work here. I won't work with you. Mas gusto ko pang si Uncle Guido ang kasama ko kasi siya naiintindihan kung ano ako. Sumusuporta sa kung anong mga gusto ko."

            "Dahil kunsintidor 'yang Guido na 'yan. Naambunan lang ng konting dugong Costelo kung umasta akala mo kung sino na." Lalong tumaas ang boses ni daddy.

            Huminga ako ng malalim para kumalma ako. Ayoko ng patulan ang kung anuman ang sinasabi niya. Sabi nga ni Uncle Guido, pasok sa kabila, labas sa kabila. Ganoon na lang ang gawin ko sa tuwing kausap ko si dad.

            "Dad, I am trying to be the nice son here. Tulad ng gusto mo. Kung anong trabaho ang ibibigay mo sa akin dito, gagawin ko. Para maayos na lang ang kung anong namamagitan sa atin." Sabi ni Uncle Guido, ako na lang din ang magpakumbaba dahil ako naman ang anak.

            May dinampot na mga folders si dad at ibinagsak sa harap ko.

            "These are the new applicants. Interview them. Titingnan ko kung tama kang tumingin ng tao."

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now