CHAPTER FIFTEEN - CARMINE

12.2K 398 42
                                    

"I am seeking, I am striving. I am in it with all my heart." - Vincent Van Gogh

---------------------

Kay's POV

Ganoon kaya talaga si Xavi? Talaga kayang iba-iba ang babaeng kasama niya araw-araw?

Iyon ang laman ng isip ko habang naglalakad ako pauwi sa bahay namin. Ginabi na nga ako kasi tinapos ko pa ang mga trabaho na dapat tapusin. Nakakahiya naman kasi kay Sir Guido. Alam kong sobrang behind na ako sa mga deadlines sa mga reports para sa kanya pero hindi niya ako sinisita. Ngayong medyo nagiging okay na kami ni Jeremy, babawi naman ako kay Sir.

Napangiwi ako ng maalala ko na naman si Xavi. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong pasado alas-nuebe na. Magkasama na kaya sila ni Mahra? Ipinagluluto na kaya siya ni Mahra o nagmamasahehan sila. Bumuga ako ng hangin. Bakit ko ba iniisip kung ano ang ginagawa ng dalawang iyon? Matatanda na sila. Kung gumawa man sila ng bata ngayong gabi, bahala na sila sa buhay nila.

Kumunot ang noo ko dahil pagdating ko sa bahay, sa pinto pa lang ay naririnig ko na ang malakas na boses ng biyenan ko. Napahinga ako ng malalim dahil alam kong si Jeremy na naman ang kinakastigo nito. Wala talagang awa sa anak ang biyenan ko na ito. Hindi ba nito nakikita na halos hilahod na si Jer sa pagtatrabaho para lang masunod ang mga kapritso nilang mag-ina?

"Ano 'tong nabalitaan ko na nag-hotel pa daw kayo ng asawa mo? Kulang na kulang na nga ang ibinibigay mo sa akin tapos inuuna 'nyo pa ang paggastos sa mga hotel-hotel na iyan. May naghatid pang kotse dito sa inyo. Aba, Jeremy! Hindi mo ba naisip na nagugutom kami ng kapatid mo," ang lakas ng boses ng biyenan ko.

Pinigil ko ang sarili ko at nanatili akong nasa pinto lang at pinapakinggan ang mga sinasabi nito sa asawa ko.

"'Nay, wala naman kaming ginastos doon. Bigay iyon ng kumpanya." Mahinahong sagot ni Jer.

"Ganoon? Dahil bigay ng kumpanya, kuntodo porma pa kayo. Ang yayabang 'nyong mag-asawa. Nauna 'nyo pang i-celebrate ang anniversary 'nyong walang kuwenta kesa ang intindihin kami ni Jerika."

"'Nay, anniversary ho namin iyon ni Kaydence. Ilang taon na rin hong nagtitiis ang asawa ko. Minsan ko lang siya mapasaya ng ganoon."

"Jeremy, ang asawa mo inintindi mo. Paano kami ng kapatid mo? Hindi ba kami nagtitiis? Kulang na kulang ang ibinibigay mo sa akin. Nangako ka sa akin noon na bibigyan mo ako ng maginhawang buhay. Pero ano ito? Ano itong nararanasan namin ng kapatid mo? Kulang na lang magdildil kami ng asin. Kulang na lang huminto sa pag-aaral ang kapatid mo," napa-rolyo ang mata ko dahil gumagaralgal ang boses ng biyenan. Ito naman ang panlaban niya kay Jer. Iiyakan niya para maawa naman si Jer at makunsensiya.

"'Nay, huwag ka ng umiyak. Sorry sa nasabi ko. Pinipilit ko naman hong bigyan kayo ng maayos na buhay. Lahat tayo gusto kong maging maayos. Ikaw, si Jerika, si Kaydence. Gusto ko sama-sama tayo at maging maayos tayo dahil mahal ko kayang lahat." Damang-dama ko ang paghihirap sa boses ng asawa ko.

"Awang-awa na kami sa sarili namin, Jeremy. Mabuti pa kayo ng asawa mo naranasan 'nyong mag-hotel. Samantalang ako. Kami ng kapatid mo hindi mo man lang mapatikim ng kahit lamig ng aircon. Talagang pinaparamdam mo sa amin na mas imporatante sa iyo ang babaeng iyo kaysa sa akin na nanay mo at kay Jerika na kapatid mo." Malakas na ang palahaw ng biyenan ko.

Naumay ako bigla sa kung ano-anong dinadrama ng biyenan ko kaya umalis na lang ako uli. Dumiretso ako sa tindahan na malapit sa amin. Karinderya din iyon kaya pumasok ako sa loob. Umorder ako ng isang bote ng Red Horse. Minsan lang naman ito. Gusto ko lang kumawala sa buhay na ito.

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now