CHAPTER TWENTY SEVEN - ABALONE

12.4K 518 68
                                    

"A genuine work of art, can never be false, nor can it be discredited through the lapse of time, for it does not present an opinion but the thing itself." - Arthur Schopenhauer

Kay's POV

            Marami ng tao sa tapat ng apartment namin ni Jeremy. Napalunok ako ng makita ko ang tarpaulin na nakasabit sa tapat ng bahay. Nakalagay doon ang mukha ni Jeremy. Kuha niya iyon ng maka-graduate siya.

In loving memory of Jeremy Montecillo.

Agad na bumukal ang luha sa mga mata ko ng mabasa iyon.

            Totoo nga. Wala na talaga si Jeremy.

            Kahapon sa ospital, iniisip kong isang masamang panaginip lang ang lahat. Isang bangungot na pagkagising ko normal na uli ang lahat. Pero ng magising ako kanina, ramdam kong may kulang na. Hindi na ako kumpleto. Isang bahagi ng pagkatao ko ang nawala.

            Ayaw pa akong palabasin ng mga doctor at nurses sa ospital. Bilin daw iyon ni Xavi. Magpahinga daw muna ako doon hanggang sa maka-recover ako. Pero kahit na anong pigil sa akin ng mga hospital personnel, wala silang nagawa. Kailangan kong umuwi. Kailangan ako ng asawa ko.

            Sinalubong ako ng maliwanag na ilaw mula sa pailaw na provided ng punerarya. Puti ang kabaong ni Jeremy. May konting bulaklak. Pilit na pinagkasya sa maliit naming apartment. Nararamdaman kong nanghihina na naman ang tuhod ko. Hindi ko yata maihakbang para makalapit sa kabaong ng asawa ko. Hindi ko yata kayang makita siyang nakahimlay sa maliit na kahon na iyon.

            Pero pinilit ko. Lakas-loob akong lumapit at tiningnan si Jeremy sa maliit na salamin. Marahan kong hinaplos kasi parang natutulog lang siya na nakahimlay doon. Bakit naman hindi magandang barong ang ipinasuot sa kanya? 'Yung pagkaka-make up sa kanya hindi masydong maganda pero kitang-kita pa rin ang kaguwapuhan niya.

            "Jer," ako lang yata ang nakarinig ng banggitin ko ang pangalan niya. Tumutulo ang luha ko sa salamin. Masama daw iyon sabi sa pamahiin pero wala akong pakialam. Kung puwede ko lang buksan ang kabaong na ito para mayakap siya at mahalikan ay talagang gagawin ko.

            "Umalis ka na dito." Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at itinulak ako palayo sa kabaong ng asawa ko.

            Ang biyenan ko iyon. Mugtong-mugto ang mga mata pero kitang-kita ang galit ng pagkakatingin sa akin.

            "'Nay, kailangan ako ng asawa ko. Hindi ako aalis sa tabi ng asawa ko."

            "Wala ka ng asawa. Nawala si Jeremy dahil sa iyo. Dahil sa kadamutan mo," umiiyak na sabi nito sa akin.

            "Bakit kasalanan ko? Ano ba ang kasalanan ko? Ginusto ko bang mamatay si Jeremy?"

            Muli niya akong itinulak palayo.

            "Wala ka ng karapatan sa kanya. Ako na ang bahala sa anak ko."

            "Hindi ako aalis dito." Matigas kong sagot. "Ako ang asawa, ako ang may karapatan sa kanya. Hindi 'nyo ako mapapaalis." Hanggang sa kamatayan ba naman ni Jeremy mag-aagawan pa rin kami ng nanay niya.

            "Umalis ka na!" Itinulak niya ako ng malakas at napaurong ako. Muntik na akong mawalang ng balance kundi lang may humarang sa likuran ko. Gulat akong tumingin kung sino iyon at nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang nasa likuran ko. Para akong nakahanap ng kakampi ng makita ko ang mukhang iyon.

            "Mommy," yumakap ako ng mahigpit sa mommy ko. Ang higpit-higpit. Para akong batang kinawawa at ngayon ay may magtatanggol na sa akin.

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now