CHAPTER THIRTY NINE - SAPPHIRE

14.8K 607 168
                                    

"Painting is easy when you don't know how, but very difficult when you do." - Edgar Degas

--------------------

Kay's POV

Pakiramdam ko ay walang laman ang utak ko habang papunta kami sa office ni Tom.

Maraming sinasabi si Tom. Maraming tanong. Lalo na kung paano nakilala ng mommy ko si Xavi. Ayoko ng magkuwento. Wala ako sa mood magsabi kung anong nangyayari sa buhay lalo na nga ngayon na may nalaman akong talagang nagpabago ng pagkatao ko.

Ngayon ko na-realize ang lahat. Kung bakit naiinis ako kay Xavi sa tuwing magkakasama sila ni Jeremy. Kung bakit asiwa ako sa kanya at pilit akong umiiwas. Kung bakit sa tuwing magdidikit kami ni Xavi parang may familiarity. May tensiyon kaya ayokong makikita siya. Lahat iyon defense mechanism ko dahil ang totoo may something naman talaga. Pilit ko lang iniiwasan dahil nga may asawa ako at hindi ako puwedeng tumingin sa iba.

Naiinis ako noon dahil ang landi-landi ni Mahra sa kanya. Kahit umalis si Xavi at nangibang-bansa bihira akong magbukas ng article tungkol sa kanya dahil nakikita ko kung gaano siya kasaya at kasama ang iba't-ibang babae samantalang ako, pinili kong magpakalugmok sa pagkawala ni Jeremy tapos ngayon malalaman kong may ginawang ganito sa akin.

Sagrado ang kasal sa akin. Nangako kami ni Jeremy na sa hirap at ginhawa kami lang kaya iyon ang ginawa ko. Pero sa ginawa niya, hindi ko alam kung ano pa ang iisipin ko.

Parang hindi ko kayang patawarin si Jeremy dahil sa ginawa niya sa akin. Niloko niya ako. Ginamit pa niya si Xavi. Hindi ko talaga akalain na magagawa niya iyon sa akin.

"Kay, are you okay?"

Naglalakad na kami noon papasok sa opisina ni Tom ng magtanong siya. Ayoko naman talagang pumasok dahil nawiwindang ako pero pakiramdam ko ay mas mawiwindang ako sa bahay kung ibuburo kong mag-isip.

"Okay lang." Matipid na sagot ko.

"Mukhang totally acquainted naman kayo ni Xavi Costelo. Are you okay to do the interview? Or I could assign someone to him. Parang hindi rin ako kumportable na ikaw ang mag-interview sa kanya."

Umiling lang ako.

"Okay lang ako na ang mag-interview kay Xavi. Anong oras siya darating dito?"

"He wants to do the interview in his place. I could accompany you. I wanted to kaya lang may meeting ako ng five pm." Bakas ang disappointment sa boses ni Tom.

"I'll be fine. Sige. Ire-ready ko lang ang mga questions." Iniwan ko na si Tom at dumiretso ako sa cubicle ko. Kahit parang luting ang isip ko ay pinilit kong makapagtrabaho. Pero sa isip ko ay nagagalit ako kay Jeremy. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan ko siya, tinalikuran ang lahat para sa kanya, nagtiis ako ng mahirap na buhay kasama siya at sa huli ito pa ang igaganti niya?
Marahan kong hinilot ang ulo ko at napabuga ng hangin. Kailangan naming magkausap ni Xavi. Pareho kaming nagulo ang mundo dahil sa pangyayaring ito.

Naubos ang oras ko sa paggawa ng mga questions para sa interview. Ibinigay ni Charisse sa akin ang address ng condo ni Xavi at pumunta na ako doon. Alam naman daw ni Xavi na darating ako. Wala na talaga siguro akong magagawa. Kahit anong iwas ko sa sitwasyon na ito, kailangan kong harapin at talagang kaming dalawa lang ni Xavi ang makakaayos sa problemang ito.

Habang papunta ako sa condo niya ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Paano ko ipapaliwanag kay Joshua na hindi si Jeremy ang tatay niya? Matatanggap ba ng anak ko na si Xavi ang totoo niyang tatay? Baka malito lang. Ngayon pa lang ako bumabawi kay Joshua tapos ganito pa talaga ang pangyayari.

Withered Hues (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin