CHAPTER THIRTY TWO - YELLOW

12.4K 460 77
                                    

"No artist is ahead of his time. He is his time, it's just that others are behind the times." - Martha Graham

--------------------

Xavi's POV

Iginala ko ang paningin ko sa bagong unit na tutuluyan ko. I rented this for a month only. Wala naman akong planong magtagal talaga. Si Sophie lang ang nagsabi sa akin na isama ko ang Pilipinas sa Asia visits ko. Kung ako ang masusunod, lalampasan ko talaga ito. Ayoko na kasing balikan pa ang lahat.

Tulad ngayon. Alam na ng pamilya ko na umuwi ako dito. I told my sister that I'll visit her and knowing my sister, she couldn't keep a secret even just for a minute. Sinabihan na agad niya si mommy and my mother called me. She was asking me, no. She was begging me to see her immediately.

Hindi ko alam kung kaya ko ng humarap kay mommy. She tried to visit me in Paris so many times pero lagi kong sinasabi na hindi ako nag-i-stay doon. Lagi kong sinasabi na lagi akong nasa travel kahit hindi naman. Hindi ko pa talaga kayang humarap sa kanya. Sa kanila ni Uncle Guido. I still couldn't forget the betrayal that I felt.

Two years after I left, my sister told me na na-annul na ang marriage nila mom and dad. My dad decided to leave and went to the US. Ang alam ko may sariling family na rin doon. His company was being managed by my sister. Natawa ako ng malaman kong si ate Xandra na ang nagma-manage doon. My carefree irresponsible sister is now the head of a big company. At hindi lang siya basta-basta CEO. According to my sources, ate Xandra was one tough CEO. Nakahanap ng katapat ang mga nagnanakaw sa company ni dad.

Pina-imbestigahan lahat ni ate ang mga anomalya sa company. Lahat ng involve sa pagnanakaw, pinatanggal. Si Danica ang unang-una. May mga kasabwat din sa Audit and Accounting department. Dalawang share holders ang damay din at talagang hindi iyon tinigilan ni ate na hindi matanggal. And so far, the company was doing well with the help of Uncle Guido.

My mother and Uncle Guido's relationship was out in the open. Natawa ako. Hindi ko nga pala siya Uncle. Siya nga pala ang totoong tatay ko. Tatay namin ni ate. My dad cannot bear a child. Alam niya ang affair ni mommy at ng half brother niya but he didn't do anything. He didn't say anything. Ayaw din niya ng eskandalo sa pamilya. Si Uncle Guido ang totoong boyfriend ni mommy at inagaw lang niya. He was thinking that my mother would forget Uncle, but it didn't happen. Sa huli, siya pa rin ang natalo. Natawa ako sa naisip ko. Sabi ni ate Xandra true love wins daw. Ako? I don't believe in true love anymore. I have a one fucked up family. That's the reality.

Marami pa akong aayusin dito. I needed to settle first. Nakaka-kahon pa ang mga gamit ko. Ang mga paintings, ang mga painting tools ko. Kailangan ko pang i-unload isa-isa pero tinatamad pa ako. Pagbibigyan ko na lang si mommy.

Tumunog ang telepono ko at nakita kong si mommy ang tumatawag sa akin. Ayoko pa sanang sagutin pero hindi rin naman titigil ito.

"Mom." Inilagay ko iyon sa speaker at nagsimulang magbihis.

"Xavi, iho. Nakapagpahinga ka na ba? What time ka darating dito sa bahay?" Damang-dama ko na parang nag-aalala ang boses niya.

"Maliligo lang ako. Maya-maya punta na ako diyan." Hinubad ko ang suot kong t-shirt at pantalon.

"Paborito mo pa rin ba ang sinigang na bangus sa miso?"

Napalunok ako at parang bigla ko ngang na-miss ang pagkain na iyon. My mom cooks that food so good.

"Matagal na akong hindi nakakain. We don't have that food in Paris. Wala ding nagluluto para sa akin," iyon na lang ang naisagot ko.

"I'll cook that for you. Iyon talaga ang naisip kong iluto kasi darating ka. I can't wait to see you, Xavi." Halatang gumagaralgal ang boses ni mommy.

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now