CHAPTER EIGHTEEN - MAGENTA

12.2K 434 80
                                    

"I never paint dreams or nightmares. I paint my own reality." - Frida Kahlo

-------------------------

Xavi's POV

            Laman na naman ng opisina ko ngayon si Jeremy. Nadadalas ang pagpunta niya dito. Maraming reports na dala at paganda ng paganda ang mga reports na iyon. Unti-unti na naming nati-trace kung saan napupunta ang pera. One of these days, malalaman na namin kung sino ang may-ari ng accounts na pinupuntahan noon.

            Magaling talaga si Jeremy. Hindi niya talaga binitiwan ang paghahanap kung saan napupunta ang nawawalang mga pera. Alam kong delikado din ito dahil hindi namin kilala kung sino ang nasa likod nito kaya dobleng pag-iingat ang ginagawa namin. Walang nakakaalam na inaayos namin ito ni Jeremy. Kahit ang daddy ko, hindi alam ang ginagawa kong ito. At gusto kong magulat siya na ako, ang anak niyang hindi niya kinabiliban kahit kailan ang nakatuklas kung sino ang nagnanakaw sa kumpanya niya.

            "Hindi ba nagalit si Kaydence sa iyo kasi ginabi ka ng uwi kagabi?"

            Nag-angat ng ulo si Jeremy at binitiwan ang hawak na ballpen at bahagyang hinilot ang batok.

            "Nagtampo. Nadadalas daw kasi ang uwi ko ng gabi."

            "Sana sinabi mo sa kanya na nagpapagamot ka. Sana sinabi mo sa kanya na may possibility kayong magka-anak."

            Ngumiti ng mapakla si Jeremy at muling itinuon ang pansin sa trabaho.

            "Pinuntahan mo ang ni-refer kong doctor 'di ba? He is good, Jer. Matagal na siyang doctor ng family and he could help with your problem."

            Ini-refer ko kasi siya sa isang doctor para sa problema niya sa kanyang pagkalalaki. I talked to the doctor about his accident and the doctor said there is still a possibility na maging normal siya ulit.

            Ilang beses kong minura ang sarili ko sa ginawa kong iyon. Sabi ng isip ko, napakatanga ko para tulungan pa si Jeremy sa bagay na iyon. Pero para iyon sa ikakasiya ni Kaydence. Jeremy said that she wanted a baby kaya tutulungan ko sila. Hanggang doon na lang naman ang kaya kong gawin. I am on the sidelines. And whatever makes her happy, I'll give it to her kahit pati ang asawa niya ay tulungan ko pa rin.

            "You went to the doctor, right?" Paniniguro ko.

            Tumango siya at napakamot ng ulo.

            "Okay naman. Ah- okay naman ang results. May mga tests pang gagawin and kung magiging okay, isang operation na lang daw ang gagawin. Hindi naman major. Hindi ko na masyadong inintindi kasi sabi ko, doctor na ang nakakaalam noon."

            Tumango-tango ako. "You should tell her para matuwa siya. You're getting okay. You both will be okay."

            Ngumiti lang siya at muling itinuon ang pansin sa ginagawa tapos ay huminto din at tumingin sa akin.

            "Sir."

            Nagtataka akong tumingin sa kanya. Parang may gustong sabihin si Jeremy pero ngumiti lang siya ng pilit at umiling-iling.

            "Ano iyon?"

            "Wala, Sir. Kalimutan mo na."

            "Ano nga iyon?"

            "Birthday ko kasi bukas. Baka gusto mong pumunta sa bahay. Wala namang espesyal. Kami lang kasi ng asawa ko ang magsi-celebrate. Wala namang handa. Gusto ko lang na nandoon ka para makilala ka ng husto ni Kaydence. Medyo pangit kasi ang impression sa iyo. Akala lagi mo akong isinasama sa mga good time," natatawa si Jeremy pero halatang nahihiya.

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now