CHAPTER SIXTEEN - SAGE

12K 429 35
                                    

"Art must be life, it must belong to everybody." - Marina Abramovic

----------------------------

Xavi's POV

            I never had a good sleep last night.

            Ang inaasahan kong maayos na gabi, nasira pa ng dalawang babaeng dumating sa unit ko. That's why I never wanted threesome. I would never engage in that kind of sex play. Ever. Twice na akong binubuwisit ng ganoon. Lintek na mga babae. Parang mga mauubusan. Dumagdag pa sa mga intindihin ko.

            Kaya ito ako. Puyat at iritable na papasok sa opisina. Nalaman ko pang ngayon darating si daddy at sigurado na naman ako, magtatalo na naman kami kahit wala kaming dapat na pagtalunan. Ako na lang ang iiwas.

            Diretso ako sa silid ko ng dumating sa office at ayoko na munang humarap sa kahit na kanino. Masakita ang ulo ko. Ayoko na muna ng kahit na anong intindihin dahil baka hindi ko kayang i-digest ang mga kung anong malalaman ko at mabulyawan ko lang ang lahat ng makakaharap ko.

            Gusto ko sanang pumunta kay Uncle Guido ngayong araw. Pero naisip kong nandoon nga pala siy sa girlfriend niya. Napailing ako ng maalala ko ang mga sinabi niya sa akin. Kung sa tingin ko na nababaliw na ako dahil sa kakaisip kay Kaydence, mas baliw ang Uncle ko dahil for twenty-nine years, pumayag siyang maging kabit ng kung sino. Parang tanga. Makakakuha naman siya ng ibang babae na walang sabit pero nagtiis siya sa ganoong sitwasyon. Umaamot ng atensiyon at oras ng isang babaeng may-asawa.

            I admit it. 'Tangina. Ayoko man aminin pero iyon talaga ang isinisigaw ng utak ko, ng dibdib ko. I like Kaydence. Fuck, I am falling for her. Pero alam kong hanggang doon lang. Hanggang tingin lang ako. Hanggang paghanga lang. Beyond that, I won't do anything stupid na makakasira sa kanya o sa pagsasama nilang mag-asawa. Jeremy was a good man at hindi ko makakayang tarantaduhin ang ganoong klaseng tao.

            So, I'll just go back to my old self. Same routine every day. Work in this stupid company, and by nighttime go out with my friends, meet different women, fuck them then maybe paint some. Ganoon naman ang buhay ko noon kaya bakit parang naninibago pa ako?

            May kumatok sa pinto ng opisina at nakita kong si Jeremy iyon. Kumunot ang noo ko kasi iba ang aura ni Jer ngayon. Mukhang aburido. Halatang iritable. Tingin ko nga ay nanlalalim ang mata dahil parang wala pang tulog. Mukhang hindi na nga yata na-plantsa ang damit. Kaiba sa mga nakaraang araw na nakita ko siya. Today, he was a mess.

            "May hangover ka ba?" Puna ko sa kanya ng makapasok. "Pinayagan kang mag-inom ng asawa mo?" Bati ko sa kanya ng makapasok.

            Umiling lang siya at lumapit sa table ko at naupo tapos ay naglapag ng ilang mga papel.

            "Hindi ko ma-access ang Audit files from 2016-2017. Mukhang sa mga taon na 'yan ginawa ang pagnanakaw dito sa kumpanya 'nyo." Seryosong sagot niya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

            Okay. Mukhang wala sa mood kaya kinuha ko ang papel na inilapag niya at tiningnan iyon. Sa totoo lang wala akong maintindihan o ayaw ko lang intindihin dahil ayaw talagang mag-process ng utak ko.

            Tumingin ako sa gawi ni Jeremy at nakita kong tahimik lang siyang nakatitig sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Tingin ko ay may problemang dinadala.

            Itinupi ko ang papel na ibinigay niya at inilagay ko sa drawer ko tapos ay tumayo ako.

            "Come on. Samahan mo akong mag-lunch," sabi ko sa kanya at kinuha ko ang saklay niyang nakasandal sa mesa ko.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon