CHAPTER ELEVEN - LAVENDER

12.4K 399 46
                                    

"Art is the only way to run away without leaving home." - Twyla Tharp

Xavi's POV

            "Hindi ko alam kung bakit pinatulan ko ang trip mong dito mag-inom. Kailangan pa tuloy natin magbihis ng ganito dito," parang naiirita si Jet sa suot niyang closed neck shirt na pinatungan niya ng blazer. Inis pa nitong hinimas ang ulong kalbo.

            "We need to blend in. Nakakahiya naman kung mukha tayong basura na pupunta dito. Baka kahit may pambayad tayo, hindi tayo papasukin. Saka para maiba naman ang ambiance natin. Lagi na lang tayong nagkikita sa mga patapong bar. Malay mo dito mas maayos na babae ang makuha natin," sagot ko sa kanya at kumaway sa waiter para magpasalin pa uli ng wine sa baso ko.

            "'Tangina, pa-wine-wine pa tayo ngayong gabi. Gin nga lang ang tinitira natin sa bar ni Toby," natatawang sabi nito at lumagok din sa kaharap na baso. "Ibinabagay mo ang sosyal mong itsura sa sosyal na wine na iniinom natin.

            Tiningnan ko ang sarili ko kasi talaga naman na ibang-iba ang itsura ko ngayon. Naka-merch shirt man ako ng paborito kong banda, pinatungan ko naman iyon ng blazer. Hindi rin ripped jeans ang suot ko. Matinong dark jeans at naka-boots ako. Tinanggal ko din ang patong-patong na silver necklaces na lagi kong suot. Wala din akong hikaw. Ang nose ring lang ang hindi ko tinanggal at mga suot kong malalaking metal rings sa daliri.

            "Ano bang nirereklamo mo? Libre ko naman 'to," inubos ko ang laman ng basong ininom ko at muling nagpasalin ng wine. Palinga-linga ako sa paligid ng Sage Bespoke Grill. Sa dulong parte kami pumuwesto ni Jet. Mabuti nga at nahatak ko ang kalbong ito para makasama dito. Kung hindi, mukhang kawawa na naman akong mag-iinom mag-isa. Well, hindi rin naman pala ako mag-iisa all night kasi siguradong may babae rin akong makikilala.

            "Dito ka ba maghahanap ng model mo?" Luminga-linga sa paligid si Jet.

            Napakamot ako sa ulo at natawa ako ng tingnan ko si Jet. Grabe ang combination naming dalawa. Sobrang contrast. Siya ay napakakinis ng ulo dahil kalbo, samantalang ako, naka-bun ang mahaba, makapal at kulot na buhok.

            "Kung may makikita, mas maganda." Napahinga ako ng malalim ng maalala ko si Kaydence. "May nakita na sana ako kaya lang ayaw pumayag. Kahit magkano yata ang i-offer ko hindi maghuhubad sa harap ko." Tumungga ako sa hawak kong baso.

            "Wow. Really? May tumanggi sa iyo?" Hindi makapaniwala ang itsura ni Jet.

            "Yeah. First time." Nagkibit pa ako ng balikat.

            "May tumanggi sa iyo? It's must be hard to accept. May tumanggi kay Xavier Philip Costelo." Napa-tsk-tsk pa si Jet. "Kaya ka siguro depressed."

            "Gago, anong depressed? Normal ako. Hindi lang ako makapagpinta pa dahil wala pa ako sa focus pero wala naman sa akin na tinanggihan ako." Muli kong naisip si Kaydence. Siguro kung hindi siya tumanggi sa akin, marami na akong naumpisahan na paintings ngayon.

             "Hindi ka depressed pero dito mo ako niyayang mag-inom sa ganitong lugar. This is not your gig, Xav. Kilala kita. Unless, may sinusundan kang babae."

            "Ang praning mo. Alam mo, epekto na 'yan ng kakahanap mo ng mga kung ano-ano. Saka kaya din kita niyaya dito para matigil ang utak mong umakyat ng bundok. Baka kakasama mo kay Venci isang araw malaman ko, ikaw na ang bathala doon at pinalitan mo na si Hunter Acosta." Natatawang komento ko.

            Nagkibit-balikat si Jet. "Anong masama? Maraming maganda 'dun sa tribe. May mga amoy lang pero, puwede na." Kumagat-labi pa ito.

            "Fuck you, Jet. Wala ka talagang patawad," tumatawang sagot ko. Muli akong umorder ng isang bote ng wine at nagsalin sa baso ko. Uminom ako doon at napahinto ako sa ginagawa ng makita ko ang pamilyar na pares na talagang hinihintay ko.

Withered Hues (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon