CHAPTER TWENTY EIGHT - THISTLE

12.6K 523 65
                                    

"The artist is a receptacle for emotions that come from all over the place: from the sky, from the earth, from a scrap of paper, from a passing shape, from a spider's web." - Pablo Picasso

-----------------------------

Xavi's POV

            Imposible.

            Pilit kong inaalala ang nangyari ng gabing iyon. It was blurry but I was sure that I was with someone that night. I cannot forget that smell. First time kong naamoy iyon sa isang babae. It was not perfume. I am sure it was natural scent na humahalo sa amoy ng lotion na pambabae.

            "Buti nakarating ka, Sir." Nakakangiti na ngayon si Kaydence but still, loneliness can be seen in her eyes.

            "Wala na naman akong trabaho. Makakapaghintay naman ang mga paintings ko."

            "Hindi pa ako nakakatawag kay Sir Guido. Baka wala na akong trabaho na babalikan," nahihiyang tumingin siya sa akin.

            "Understanding si Uncle. Naiintindihan naman niya ang nangyari. You're still mourning."

            "Doon na tayo sa mesa. Makakain muna," sabat ng mommy niya at niyaya ako doon. Tahimik lang na sumunod sa amin si Kaydence at naupo sa harap ko. Tahimik na nagdasal bago nagsimulang kumain.

            "Tell me something about you, Xavi. My daughter said that you are a painter?" Habang kumakain ay tanong ni Mrs. Estrada.

            Tumango ako at tumingin kay Kaydence. Napapailing na napangiti siya tapos ay yumuko. Siguro ay naalala ang unang beses na nilapitan ko siya at inalok na magpose ng hubad sa akin.

            "Yes, Mrs. Estrada." Ayoko namang ipagmalaki sa mga ito ang mga achievements ko bilang painter.

            "Sikat iyan, mommy. Nakapag-exhibit na 'yan sa iba't-ibang bansa. Magaling 'yan," komento ni Kaydence.

            Parang tumalon naman ang puso sa sinabi niya. Parang yumabang ako lalo kasi si Kaydence ang nagsasabi na magaling ako.

            "Talaga. Wow. That's great to hear. It's an honor to have you here in our house. So, paano kayo nagkakilala ni Jeremy?"

            Tumingin ako kay Kaydence at nakita kong bahagya siyang natigilan. Nanatiling nakatutok ang tingin sa pagkain pero hindi iyon ginagalaw. Alam kong apektado pa rin siya kapag nakakarinig siya ng tungkol kay Jeremy.

            "Mrs. Estrada, would you want me to paint you?" Iniba ko na lang ang usapan namin. Ayokong malungkot pa lalo si Kaydence.

            Agad na nagliwanag ang mukha ni Mrs. Estrada at tumingin sa anak niya.

            "Aba, iho. I would be honored. Isang sikat na painter ang magpipinta sa akin? Hindi kita tatanggihan."

            "Mommy," umiling si Kaydence na parang sinasaway ang nanay niya.

            "It's okay. Just give me a photo then I'll do it."

            Ang ganda ng ngiti ni Mrs. Estrada at itsurang na-excite sa sinabi ko. Pero agad na napatingin sa tumunog na telepono. Napakunot ang noo ng makilala kung sino ang tumatawag.

            "Kay, I think I have to go. Kanina pa tumatawag itong kapatid mo. Sinabi ko na kasi na huwag ng umalis ngayon kaya ito nagpapasundo pa." Humarap sa akin ang babae. "Xavi, I wanted to chat with you more but I have to attend to something. Babalik naman ako agad. Can you look for Kaydence for a while? Baka ubusin na ang isang bote ng sleeping pills niya."

Withered Hues (COMPLETE)Where stories live. Discover now