Chapter 4

2.3K 87 0
                                    

Chapter 4



Mas Importante

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at tinignang mabuti ang itsura ko sa salamin.

Bihira lang talaga ako mag-dress at dahil alam ko namang sosyal ang party na yon ay kakailanganin ko ang puting dress na ito.

Hanggang tuhod ko ang haba nito at may mga diamonds sa bandang ibaba ang dress na ito.Ngumiti ako sa salamin bago umalis.

Lumabas na ako at hinanap si Luke.Nagtama ang tingin namin.Kita ko ang mga mata nyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Tinakpan ko ang mga namumula kong mga pisngi.Ayoko kasi sa lahat yung tititigan ako.

"P-Pangit ba ang suot ko?P-Pwede ko namang palitan."
Nauutal na sabi ko kay Luke.

Rinig ko ang pagtawa nya ng mahina.

"Are you kidding me?You look so beautiful in that dress.Come on,sumakay ka na."
Nakangiting sabi nya sa akin.

Whatever.

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng mansyon nila Lauren ay makikita mo na mula rito kung gaano karami ang mga bisita nila.

Nangatal bigla ang mga tuhod ko.Hindi ko alam kung dahil ba to sa dami ng bisita o dahil sa kaalamang kasama ko ngayon ang isa sa sikat na Alferez.

Ramdam ko ang paghawak ni Luke sa kamay ko.Taka akong napatingin sa kanya.

"Pampalakas ng loob?"
Parang tangang sagot nya sa akin.

Napailing-iling na lang ako.Bawat taong nadadaanan namin ay nakangiti sa amin na para bang pinagkakamalan nila kaming may relasyon.Bakit ganyan sila?Aishhh,gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko.

"Welcome,Sir.Dylan---Miss,can I have your invitation card?"
Tanong ng lalaki sa akin.

Siniko ko si Luke.

"Ah,she's with me.I think she can come with me,right?"
Nakangiting tanong ni Luke.

"Of course,Sir.Come in."
Nakangiting sabi nung lalaki.

Woooo,sosyal talaga ang party na to.Nakita kaagad namin ang dalawa nyang pinsan at kapatid kaya dun kami agad dumeretso sa table nila.

"Woah,you're so beautiful,Agatha."

Napaikot na lang ang mga mata ko sa sinabi ni Lucas.

"Oh,kumusta naman ang paglalayas mo,Kuya?"
Sarkastikong tanong sa kanya ni Lucas.

"Wag ka ngang mang-asar,Dwayne."
Nakangising sabi ni Luke na syang ikinairap ni Lucas.

Ayaw nya kasi sa lahat yung tatawagin syang Dwayne.Weird kasi ang ganda kaya ng pangalan nya.

"Good evening to all of you!I am Lauren Kate Salazar,the daughter of Mr.Lorenzo Salazar.Enjoy the party,guys!"
Masayang sabi ni Lauren sa harap.

Kita kong nakatitig lang doon si Luke.Siniko ko sya.

"Akala ko ba party ang ipinunta mo dito?"
Nakataas na kilay na tanong ko kay Luke.

Luke just rolled his eyes at me.Tsk.

Lumabas ako ng may baso na may lamang wine.Medyo nakakahiyang makihalubilo sa loob masyadong masosyal ang mga tao doon.

"What are you doing here?Bakit ba nangiiwan ka na lang bigla?"
Tanong ni Luke.

"Manhid ka ba o sadyang wala ka lang pakielam sa mga taong humahanga sayo?"
Sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Just because that I am popular,I will limiting myself to have a friend like you?Come on,Agatha.You're important to me.Mas importante ka pa kaysa sa kasikatan ko."

Behind The MaskWhere stories live. Discover now